BOLTS HUMIRIT NG GAME 7

SUMANDIG ang Meralco kay Aaron Black upang malusutan ang San Miguel Beer, 96-92, sa Game 6 at maipuwersa ang rubber match sa 2022 PBA Philippine Cup semis kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagpasabog si Black ng 11points sa huling 1:39 ng laro na tinampukan ng endgame siege tungo sa panalo.

Sa panalo ay naitabla ng Meralco ang serye sa 3-3.

Maghaharap ang Bolts at Beermen sa no-tomorrow face-off sa Miyerkoles.

Tila tatapusin na ng Beermen ang serye nang mapigilan nila ang paunang Meralco rally, kung saan naiposte nila ang double-digit spread sa 90-80, mahigit apat na minuto ang nalalabi.

Subalit umiskor si Chris Newsome sa layup, kumana si Cliff Hodge ng three-point play pagkatapos ay bumanat si Black ng tres, at dumikit ang Bolts sa 88-90, may 1:39 sa orasan.

Binigyan ni Black ang Meralco ng 93-90 bentahe sa dalawang charities at three-point play.

Tumapos si Black na may 17 points, gayundin si Hodge bukod pa sa 12 rebounds habang nagtala si Newsome ng 19 points, 7 boards at 3 assists at nagdagdag si Raymond Almazan ng 11 markers, 7 boards at 2 assists.

Naging bahagi si Bong Quinto ng Meralco endgame crew, kung saan gumawa ang 6-foot-1 two-guard ng sarili niyang clutch plays, kabilang ang deflection ng isang fastbreak play ng San Miguel sa closing seconds.

Nanguna si June Mar Fajardo para sa Beermen na may double-double na 23 points at 13 rebounds.

Sina Vic Manuel (16), Marcio Lassiter (14) at CJ Perez (13) ang iba pang kumamada ng twin-digit outputs para sa Beermen.

CLYDE MARIANO

Iskor:
Meralco (96) – Newsome 19, Black 17, Hodge 17, Banchero 13, Almazan 11, Maliksi 7, Pascual 6, Quinto 6, Hugnatan 0, Pasaol 0, Jose 0.
San Miguel (92) – Fajardo 23, Manuel 16, Lassiter 14, Perez 13, Tautuaa 8, Cruz 8, Enciso 8, Brondial 2, Ross 0, Herndon 0.
QS: 33-22, 56-45, 74-71, 96-92