BOLTS HUMIRIT SA GAME 3; ‘TROPA’ ABANTE SA 2-1

Mga laro bukas:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

2 p.m. – TNT vs San Miguel

4:35 p.m.- Magnolia vs Meralco

INAPULA ng Meralco ang mainit na paghahabol ng Magnolia upang kunin ang unang panalo, 91-86, sa kanilang best-of-seven semifinal series sa PBA Philippine Cup kahapon sa  Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nanguna si Chris Newsome para sa Bolts na may 17 points, kabilang ang dagger three sa huling anim na segundo, para tapyasin ng Meralco ang deficit sa 1-2.

Nag-ambag si Nards Pinto ng 16 points habang tumapos si Noy Baclao na may 10 points upang tulungan ang Meralco na mapunan ang pagkawala nina injured Raymond Almazan at Aaron Black, gayundin nina Trevis Jackson at Jammer Jamito, na kapwa sumasailalim sa health and safety protocols.

Nagdagdag din si Cliff Hodge ng game-high 12 rebounds bukod sa lima sa kanyang 7 points sa payoff period na nakatulong para makalayo ang Magnolia.

“I think we just played with a big heart tonight,” wika ni Meralco coach Norman Black.

“We’re struggling a little bit because of lack of manpower. It hurts us a little bit as far as depth is concerned. We looked at this game as a do-or-die game. We treated it like there’s no tomorrow for us.”

“Sabi lang ni coach kailangan naming mag-regroup saka kailangan naming parang buwis-buhay game naming ngayon kasi mahirap na pag na-0-3 kami,” pahayag ni Pinto, na sumalang sa laro na may average lamang na 6.8 points subalit sinikap pa ring umiskor sa kabila ng pagbabantay kay Paul Lee.

Pilit na hinabol ng Magnolia ang 21-point 75-54 fourth quarter lead ng Meralco habang nakagugulat na nasa bench sina Lee at fellow Hotshots pillars Ian Sangalang at Calvin Abueva.

Pinangunahan nina rookie Jerrick Ahanmisi at sophomore Aris Dionisio, kasama sina Jackson Corpuz at Jio Jalalon, ang mainit na paghahabol na tumapyas sa deficit sa  72-77.

Nang ibalik ni coach Chito Victolero ang kanyang stars ay lalo pang dumikit ang Hotshots sa 86-89 kasunod ng three-point play ni Lee at ng putback ni Rafi Reavis, may 28 segundo pa ang nalalabi.

Subalit hindi bumigay si Newsome sa pressure at isinalpak ang 16-foot jumper na nagbigay sa Bolts ng li-mang puntos na kalamangan.

Tulad ng ginawa niya sa 92-78 panalo sa Game 2, muling nagbida si Lee para sa Hotshots na may 18 points habang nagdagdag si Sangalang ng 15 points at 7 rebounds. Tumipa si Abueva ng 12 at 7 boards at nagdagdag si Rome dela Rosa ng 10 markers.

Samantala, kinuha ng TNT Tropang Giga ang 2-1 series lead kontra San Miguel matapos ang115-98 panalo sa Game 3 ng kanilang sariling best-of-seven semifinal series.

Nanguna si RR Pogoy para sa TNT na may 26 points, 3 assists, at 4 steals kung saan lumapit sila ng dalawang hakbang sa championship round. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (91)  – Newsome 17, Pinto 16, Belo 14, Baclao 10, Maliksi 9, Caram 8, Quinto 8, Hodge 7, Hugnatan 2, Black 0, Jackson 0, Jose 0, Almazan 0, Pasaol 0.

Magnolia (86) – Lee 18, Sangalang 15, Abueva 12, Dela Rosa 10, Jalalaon 9, Ahanmisi 8, Dionisio 8, Corpuz 2, Barroca 2, Reavis 2, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.

QS: :24-14, 47-37, 73-54, 91-86

Ikalawang laro

TNT (115)  – Pogoy 26, Erram 21, M. Williams 20, Rosario 14, Montalbo 11, Castro 9, Khobuntin 4, Heruela 4, Reyes 2, Marcelo 2, Mendoza 2, Exciminiano 0, Alejandro 0, Williams 0, Javier 0.

SMB (98 ) – Romeo 22, Fajardo 14, Perez 14, Cabagnot 12, Tautuaa 11, Santos 9, Pessumal 5, Ross 3, Lassiter 3, Gamalinda 3, Zamar 2, Gotladera 0, Comboy 0, Sena 0.

QS: 29-20, 54-42, 85-68, 115-98.

7 thoughts on “BOLTS HUMIRIT SA GAME 3; ‘TROPA’ ABANTE SA 2-1”

  1. 827957 607510OK 1st take a excellent look at your self. What do you like what do you not like so significantly. Function on that which you do not like. But do not listen to other people their opinions do not matter only yours does. Work on having the attitude that this really is who youre and if they dont like it they can go to hell. 670015

Comments are closed.