BOLTS KINORYENTE ANG BATANG PIER

Pba

Mga laro bukas:
Ynares Arena – Pasig City
5 p.m. – Converge vs Terrafirma
7:30 p.m. – NLEX vs Rain or Shine

OPISYAL na sinimulan ng Meralco ang bagong kabanata sa franchise history na wala si dating head coach Norman Black sa 97-89 panalo kontra Robert Bolick-less NorthPort Batang Pier sa PBA On Tour kahapon sa Ynares Sports Arena.

Sa ilalim ni dating deputy Luigi Trillo, nagpasabog si veteran gunner Allein Malksi ng 21 points sa 4-of-6 clip mula sa three-point area sa loob ng 30 minuto mula sa bench, habang nag-ambag si Cliff Hodge ng 11-point, 10-rebound double-double.

Nagbuhos si Bong Quinto ng 14 points, 6 rebounds, at 4 assists, habang nag-ambag si new big man signee Norbert Torres ng 10-point, 8-board outing sa kanyang debut sa Bolts.

Nanguna para sa NorthPort si Jeff Chan na may 20 points, 7 mula sa fourth quarter, habang nakalikom si JM Calma ng 15-point, 11-rebound double-double.

Nagdagdag sina Paul Zamar at Kent Salado, pinunan ang pagkawala ni Japan B. League-bound Bolick, ng 12 at 8 points, ayon sa pagkakasunod.

Nagtala rin si NCAA Finals MVP Fran Yu, isang longtime ward nina NorthPort head coach Bonnie Tan at deputy Jeff Napa sa Letran, ng 5 points sa 20 minutong paglalaro sa kanyang unofficial PBA debut.

-CLYDE MARIANO