BOLTS KINORYENTE ANG EASTERN

Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
5 p.m. – Terrafirma vs Phoenix
7:30 p.m. – Meralco vs TNT

SUMANDAL ang Meralco sa kanilang depensa upang malusutan ang Eastern, 88-83, at putulin ang two-game slide sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Tumapos si Akil Mitchell na may 31 points habang pinangunahan ang depensa ng Bolts na naglimita sa guest team sa pinakamababang scoring total nito sa kasalukuyan.

Sa panalo ay umangat ang Meralco sa 4-2, at ang panunumbalik ng lakas ng kanilang depensa makaraang magsuko ng average na 112 points sa kanilang huling dalawang laro ay higit na ikinatuwa ni coach Luigi Trillo.

“This is a good one, we did enough to win. It was a grind-out win,” sabi ni Trillo makaraang puwersahin ng Bolts ang kanilang katunggali sa 21 turnovers at 26-of-71 field shooting.

Ang pagkatalo ay ikatlo sa siyam na laro ng Eastern sa kabila ng 28 points, 18 rebounds at 4 blocked shots ni Chris McLaughlin.

Gayunman, ang depensa ng Meralco sa mga tulad nina Hayden Blankley, Glenn Yang at Kobey Lam ang malinaw na ikinatalo ng Eastern.

Nagbuhos si Chris McLaughlin ng 28 points at 18 rebounds, habang nagdagdag si Kobey Lam ng 16 points para sa Hong Kong-based guest team.

Iskor:
MERALCO (88) – Mitchell 31, Quinto 16, Black 9, Newsome 9, Black 9, Hodge 6, Banchero 6, Caram 4, Torres 3, Bates 2, Cansino 2, Rios 0, ALmazan 0, Reyson 0.

EASTERN (83) – McLaughlin 28, Lam 16, Guinchard 13, Blankley 12, Cao 5, Cheung 3, Chan 2, Yang 2, Pok 2, Leung 0, Xu 0.

QUARTERS : 19-15, 39-36, 69-67, 88-83.