BOLTS KINORYENTE ANG FIBERXERS

Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Terrafirma
vs TNT
7:30 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel

MAGAAN na dinispatsa ng Meralco ang Converge, 116-88, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Pinutol nina Allen Durham at Chris Banchero ang mabagal na simula ng Meralco bago nanalasa sina Anjo Caram at Alvin Pasaol sa third quarter na nagbigay-daan para makontrol nila ang laro.

“We didn’t start out too well… but as the game progressed it seems like we had more of a sense of urgency on offense and defense,” sabi ni winning coach Luigi Trillo patungkol sa kanyang tropa na naglaro na wala sina Cliff Hodge, Raymond Almazan, Allein Maliksi at Aaron Black at naghabol ng hanggang 8-23.

Nang mag-init na sina Banchero at Durham at nag-ambag ang iba pa, gayunman, ay humarurot ang Bolts na nagbigay sa kanila ng 114-84 kalamangan tungo sa panalo para sa 4-1 kartada sa Group A.

“I thought we played better defense in the second quarter and then we started the third quarter big. I think what’s nice is we have guys… ready to play when guys go down,” ani Trillo.

“The other guys who don’t really get as many minutes, they were huge today in their contributions for us.”

Tumapos si Durham na may 27 points, 14 rebounds at 6 assists, habang nagbuhos si Banchero ng 24 points, 5 rebounds at 5 assists kung saan 12 sa kanyang markers ay nagmula sa second period.

Tulad sa kanyang huling performance nang umiskor siya ng 10 points sa penultimate quarter, naitala ni Caram ang 11 sa kanyang 16 sa pagkakataong ito sa pangunguna sa 20-15 exchange na nagbigay sa Meralco ng 78-65 bentahe.

Umiskor si Pasaol ng 12 points habang nagdagdag si fellow reliever Jolo Mendoza ng 10.

Ang pagkatalo ay ikalawang sunod ng Converge upang mahulog sa 2-3 kartada.
CLYDE MARIANO

Iskor:
MERALCO (116) – Durham 27, Banchero 24, Caram 16, Pasaol 12, Mendoza 10, Cansino 6, Newsom 5, Quinto 5, Jose 5, Rios 3, Bates 2, pascual 1.

CONVERGE (88) – Hopson 33, Stockton 13, Delos Santos 12, AMbohot 10, Santos 8, Winston 5, Maagdenberg 4, Andrade 3, Fleming 0, Racal 0, Nieto 0, Caralipio 0, Melecio 0, Fornilos 0, Cabagnot 0.

QUARTERS: 26-32, 53-50, 86-73, 116-88