BOLTS KUMAKATOK SA QUARTERFINALS

Meralco bolts

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
5:15 p.m. – Terrafirma vs San Miguel
7:15 p.m. – Phoenix vs NorthPort

LUMAKAS ang kampanya ng Meralco na makapuwesto sa quarterfinals sa 2022 PBA Philippine Cup kasunod ng 90-73 pagdispatsa sa Barangay Ginebra kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagbuhos si Chris Newsome ng 19 points nagdagdag si Chris Banchero ng 17, habang kumubra si Cliff Hodge ng 14 points, 8 rebounds, 4 blocks, at 2 steals sa 37 minutong paglalaro, sapat para mapiling Player of the Game.

Hindi kailanman naghabol ang Bolts sa laro, at lumayo sa second quarter kung saan na- outscore nila ang Ginebra, 27-17, para pumasok sa halftime break na may 51-33 bentahe.

“It’s their [Ginebra’s] third game in a week, so maybe their legs are catching up to them,” sabi ni Luigi Trillo, na muling nagmando sa Bolts kapalit nina head coach Norman Black at chief deputy Ronnie Magsanoc.

“But it was nice to see multiple guys chip in for our team,” aniya. “We’re trying to get multiple guys to contribute, and I thought our second group helped the first group.”

Ipinalasap ng Meralco sa Ginebra ang ikalawang sunod na kabiguan at umangat sa 5-3 kartada. Nahulog naman ang Gin Kings sa 6-3.

Sa unang laro ay nanatiling buhay ang pag-asa ng Rain or Shine para sa playoffs makaraang gapiin ang Blackwater, 107-90.

Naitala ng Elasto Painters ang back-to-back wins upang umakyat sa 3-6 habang nalasap ng Blackwater ang ikalawang sunod na pagkatalo para bumagsak sa 5-3.

Nanguna para sa Elasto Painters si Rey Nambatac na may 26 points, 7 rebounds, 4 assists, at 2 steals habang tumapos si Gian Mamuyac na may 20 points, 5 boards at 3 dimes.

Nagbida naman para sa Blackwater si Brandon Ganuelas-Rosser na kumamada ng team-high 19 points habang nag-ambag sina Baser Amer at rookie Ato Ular ng tig-13 points.

Iskor:
Unang laro:
Rain or Shine (107) – Nambatac 26, Mamuyac 20, Belga 12, Norwood 10, Nieto 9, Torres 9, Ponferrada 7, Borboran 5, Ildefonso 4, Santillan 2, Demusis 2, Caracut 1, Asistio 0.
Blackwater (90) – Ganuelas-Rosser 19, Ular 13, Amer 13, Casio 11, Sena 9, Suerte 6, McCarthy 6, Torralba 5, Taha 4, Ayonayon 4, Dyke 0, Ebona 0, Melton 0, Escoto 0.
QS: 28-22, 41-45, 78-68, 107-90
Ikalawang laro:
Meralco (90) – Newsome 19, Banchero 17, Hodge 14, Quinto 10, Black 9, Maliksi 8, Almazan 6, Pascual 4, Johnson 3, Baclao 0, Jose 0, Hugnatan 0, Caram 0, Belo 0
Ginebra (73) – Thompson 14, Pinto 12, J.Aguilar 11, Standhardinger 10, Tenorio 7, Pringle 6, Chan 5, Caperal 4, David 2, Mariano 2
QS: 24-16, 51-33, 72-50, 90-73.