MATAAS ang morale sa panalo sa Game 2 at naitabla ang best-of-five semifinal series sa 1-1, muling tinalo ng Meralco ang Magnolia, 101-95, upang lumapit sa PBA Governors’ Cup finals nitong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hawak ang 2-1 lead, kailangang talunin ulit ng gutom sa titulo na Bolts ang Hotshots sa Game 4 sa Miyerkoles para sumampa sa finals at palakasin ang kanilang title campaign.
Dikit ang laro at kinuha ng Meralco ang panalo sa mga huling minuto ng laro.
Nagbuhos si import Tonyu Bishop ng 27 points at 10 rebounds upang pangunahan ang panalo ng Bolts.
Sinindihan nina Allen on Maliksi at ex-Magnolia Chris Banchero ang 10-0 attack ng Meralco sa final quarter at matagumpay na napigilan ang last ditch rally ng Magnolia upang kunin ang ikalawang sunod na panalo matapos matalo sa Game 1.
Nagbanta ang Magnolia sa 90-95 subalit naging matatag ang Meralco tungo sa panalo.
“They really wanted to win. They played really hard and gallantly fought Magnolia until the last quarter. I praised them for a job well done,” sabi ni winning coach Norman Black. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (101) – Bishop 27, Banchero 23, Newsome 16, Quinto 10, Maliksi 10, Almazan 6, Hodge 4, Baclao 3, Black 2, Belo 0, Caram 0.
Magnolia (95) – Harris 24, Barroca 15, Sangalang 14, Jalalon 13, Abueva 8, Wong 7, Dela Rosa 7, Lee 5, Reavis 2.
QS: 24-19, 46-50, 76-72, 101-95.