BOLTS NAG-INIT

meralco bolts

Mga laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

4:30 p.m. –  Blackwater vs NortPort

PINAGLARUAN ng Meralco ang short-handed Alaska, 101-75, sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Sa ekspertong gabay ni coach Norman Black, dinomina ng Bolts ang laro at ipinoste ang ikalawang panalo sa tatlong laro habang ipinalasap sa Aces ang ika-4 na sunod na kabiguan.

Umangat ang Me­ralco sa 2-1 kartada habang nabaon ang Alaska sa 0-4.

Umiskor ang Mera­lco ng 29 points at nali­mitahan ang Alaska sa 14 points sa fourth period kung saan tinalo ng Bolts ang Aces sa lahat ng departamento.

Nagbuhos si Davao native Baser Amer ng 24 points at 4 rebounds at muling itinanghal na ‘Best Player of the Game’.

“Ginawa ko ang lahat para manalo. Kailangan lahat kami ay mag-step up dahil gusto naming manalo,” sabi ni Amer.

Hindi gaanong ginamit ni coach Jeffrey Cariaso si Franko House na gumawa lamang ng 4 points sa first half at ang bagong import ay pinaglaruan lamang ng  balik-import na si Allen Durham sa una nilang pagharap.

Binigyan ni Durham ang Meralco ng 72-52 bentahe sa kanyang tres sa perfect assist ni seldom-used Bryan Faundo, may  2:32  ang nalalabi sa third period.

Hindi pa nakuntento ay muling pinulbos ng Bolts ang Aces sa last quarter sa pinagsanib na puwersa nina Amer, Durham, Chris Newsome at dating Rain or Shine center Raymond Almazan. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (101)  – Amer 27, Durham 25, Almazan 15, Newsome 9, Hugnatan 5, Quinto 4, Jamito 4, Salva 4, Quinto 4, Faundo 2, Pinto 2, Canaleta 0, Jackson 0, Tolomia 0.

Alaska (75)  – Banchero 12, Enciso 12, Tratter 9, Thoss 9, Casio 9, Ayaay 8, Manuel 8, House 8, Galliguez 0.

QS: 20-22, 43-37, 72-61, 101-75.

Comments are closed.