BOLTS NAG-INIT

bolts vs Aces

Mga laro ngayon:

AUF Sports Arena & Cultural Center

4 p.m. – NorthPort  vs Phoenix

6:45 p.m. – Ginebra vs Blackwater

NAITALA ng Meralco Bolts ang kanilang unang panalo nang pataubin ang Alaska Aces, 93-81, sa 2020 PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles City, Pampanga.

Nalusutan ng Meralco ang pananalasa ng Alaska sa third quarter at nakakuha ng big shots mula kay Baser Amer sa fourth upang umangat sa 1-1.

Bumagsak ang Aces sa 0-2 sa conference.

Nagbuhos si Allein Maliksi ng team-high 17 points mula sa bench, habang naiposte ni Amer ang walo sa kanyang 15 points sa fourth quarter.

Sa kanyang pagbabalik ay gumawa si center Raymond Almazan ng 5 points sa 10 minutong paglalaro para sa Meralco.

“It’s like night and day,” wika ni Meralco coach Norman Black patungkol sa ipinakita ng kanyang tropa kontra Alaska kumpara sa nilaro nito sa kanilang unang game kontra Phoenix Super LPG.

“Tonight, we played with a lot more fluidity, we played with a lot more intensity,” aniya. “Our team work was very good and we had 14 assists in the first half.”

“Winning this basketball game helps our confidence a lot,” ayon pa kay Black.

Susunod na makakasagupa ng Meralco ang Barangay Ginebra at Magnolia.

Nanguna si Jeron Teng para sa Bolts na may 25 points sa 9-of-11 shooting, kasama ang 7 rebounds. Tumipa si Manuel ng18 points, subalit nagtala lamang siya ng 8-of-21 mula sa field, at umiskor lamang si Mike DiGregorio ng 6 points.

Bumuslo ang Alaska, bilang team, ng 38.2% lamang habang ang Meralco ay nakapagpasok 50% sa kanilang attempts.

Sa pagpapatuloy ng laro ngayong araw ay maghaharap ang NorthPort  at Phoenix sa alas-4 ng hapon habang magtutuos ang Ginebra at Blackwater sa alas-6:45 ng gabi. CLYDE MARIANO

Comments are closed.