BOLTS NATAKASAN ANG DYIP, SALO SA LIDERATO

Mga laro bukas:
(Ynares Center-Antipolo)
5 p.m. – TNT vs NorthPort
7:30 p.m. – NLEX vs San Miguel

ISINALPAK ni Jansen Rios ang isang clutch triple sa dying seconds, na naging tuntungan ng Meralco upang maitakas ang 96-91 panalo laban sa Terrafirma at sumosyo sa liderato sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Ang basket ni Rios mula sa right corner ay nagbigay sa Bolts ng 94-91 kalamangan at nagdagdag si Chris Newsome ng dalawang charities kasunod ng erratic plays ng Dyip sa huling 9.4 segundo

Ang panalo ay ikatlong sunod ng Meralco sa parehong dami ng laro upang makatabla ang walang larong NorthPort sa ibabaw ng standing. Nahulog naman ang Terrafirma sa 0-4..

Masaya si coach Luigi Trillo at hindi bumitiw ang kanyang tropa sa kabila na nasayang ang hanggang 67-51 third quarter lead.

“We got lucky. When you think about it, maganda ‘yung start ng Terrafirma. It’s hard when you’ve got new guys coming in, a new import just like us. But I thought they played very well in that first half,” sabi ni Trillo.

“We got it together in the third, good enough to get a lead, and at the start of the fourth. But you’ve got to give them credit. They’re resilient out there, maganda gel nila ng import nila. Those players didn’t give up,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ng bagong import na si DJ Kennedy ang atake sa third quarter na may 19 sa kanyang game-high 32 points bukod sa 6 rebounds at 4 assists.

“I think the biggest thing is how physical the game is. The refs will let you play, you’ve got to play through it. It’s no big deal for me,” sabi ni Kennedy, na nanggaling sa bench at agad na nakakuha ng tatlong fouls.

Nagtala si Newsome ng near triple double na may 15 points, 9 rebounds at 8 assists, nag-ambag si Raymond Almazan ng 15 points at 12 boards habang tumapos si Rios na may 11 markers.

Kumabig si Brandon Edwards, isa ring replacement import, ng 21 points at 13 rebounds para sa Terrafirma, subalit nagmintis sa isang short stab na nagresulta sa basket ni Rios.

Tumapos si Brent Paraiso na may 20 points at nagdagdag si Vic Manuel ng 13 kung saan nagsalitan sila sa paglapit sa Dyip sa walong puntos sa pagtatapos ng third period at sa 82-91 deficit papasok sa huling apat na minuto ng laro.

“I’m not happy with the way we executed. We had it in the bag and we let… that last three minutes we let them back into the game,” ani Trillo. “It’s good that Jansen hit that 3.” CLYDE MARIANO

Iskor:
MERALCO (96) – Kennedy 32, Newsome 15, Almazan 15, Rios 11, Caram 7, pascual 6, Quinto 4Hodge 3, Pasaol 2, Black 1, Jose 0, Torres 0.

TERRAFIRMA (91) – Edwards 21, Paraiso 20, Manuel 13, Sangalang 10, Melecio 9, Pringle 6, Olivario 5, Catapusan 2, Nonoy 2, Ramos 2, Ferrer 1, Hernandez 0, Zaldivar 0.

QUARTERS: 21-20, 39-40, 69-61, 96-91