Mga laro ngayon:
Ynares Center – Antipolo
3 p.m. – NLEX vs Rain or Shine
6 p.m. – Blackwater vs Ginebra
MAY misyon si Tony Bishop at ang iba pa sa Meralco crew at ipinakita nila ito.
Naitala ni Bishop ang kanyang ika-7 sunod na double-double na may 26 points at 11 rebounds nang pangunahan niya ang Bolts laban sa Terrafirma, 107-95, at sa pag-usad sa quarterfinals ng PBA Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo nitong Huwebes.
Sa ikalawang sunod na laro ay matikas din si Allein Maliksi sa pagkamada ng 18 points, 6 assists at 4 rebounds upang pangunahan ang locals ng Meralco na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa pagmartsa ng koponan sa ika-6 na panalo sa pitong laro.
“We did not want to stumble again, knowing that the elimination round is coming to an end pretty soon and everybody’s fighting for position,” pahayag ni winning coach Norman Black matapos ang ikalawang sunod na panalo ng kanyang koponan makaraang masilat ng NorthPort noong nakaraang linggo.
Matapos na samahan ang early qualifiers Magnolia Ang Pambansang Manok at NLEX sa eight-team quarterfinals, makukuha ng second-running Bolts ang top four finish na may kaakibat na twice-to-beat advantage sa susunod na round kung madadagdagan ang kanilang panalo sa nalalabi nilang apat na elimination round games.
“We wanted to stay in the top four, so we didn’t want to fall today,” sabi ni Black.
“We just want to come out and run as much as possible, play good defense and get a win.”
Ang pagkatalo ay ikalawang sunod ng Terrafirma, at bumagsak sa 2-6 kartada at kailangan ngayong mawalis ang kanilang huling tatlong laro upang magkaroon ng tsansang makaabante sa susunod na round.
Nagbuhos si Antonio Hester ng 23 points at 17 rebounds para pangunahan ang Terrafirma, na nabigong makabawi mula sa endgame collapse kontra Alaska noong Sabado.
Kumubra si Cliff Hodge ng 16 points, habang nagdagdag sina Bong Quinto at Chris Newsome ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Meralco. CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (107) – Bishop 26, Maliksi 18, Hodge 16, Quinto 11, Newsome 10, Black 8, Almazan 7, Banchero 6, Caram 5, Baclao 0, Pasaol 0, Canete 0, Jose 0.
Terrafirma (95) – Hester 23, Munzon 17, Tiongson 13, Daquioag 11, Camson 10, Cahilig 6, Gabayni 5, Batiller 3, Pascual 3, Ramos 2, Calvo 2, Balagasay 0, Go 0.
QS: 30-26, 60-45, 89-73, 107-95.