BOLTS PINALAKAS ANG TSANSA SA Q’FINALS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Philsports Arena)

4:30 p.m. – Blackwater vs San Miguel

7:30 p.m. – TNT vs Converge

TINAMBAKAN ng Meralco ang kulang sa taong Magnolia, 74-51, para sa ikalawang sunod na panalo sa PBA Philippine Cup nitong Linggo sa PhilSports Arena.

Umangat ang Bolts sa 5-5 habang nalasap ng Hotshots, na hindi nakasama sina Jio Jalalon at  Calvin Abueva, ang ikalawang sunod na kabiguan upang mahulog sa 5-4.

Nagbuhos si Raymond Almazan ng 12 points at 11 rebounds habang humataw si Chris Newsome ng 12 markers, 8 rebounds, 7 assists, at 2  blocks para sa Bolts na pinalakas ang tsansa sa quarterfinals.

Nag-ambag sina Chris Banchero at Brandon Bates ng  11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, kung saan nakakolekta rin ang huli ng 6 rebounds at 4 steals.

Nalimitahan ang Hotshots, galing sa 98-91 loss sa San Miguel noong Biyernes, sa 25 shooting percentage mula sa field. Si Ian Sangalang ang top scorer sa koponan na may 8 points.

Ang 51-point outing ng Magnolia ang siya ring pinakamababang produksiyon sa kasaysayan ng franchise.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (74) – Newsome 12, Almazan 12, Banchero 11, Bates 10, Caram 9, Quinto 6, Maliksi 4, Black 3, Dario 3, Hodge 2, Pascual 2, Torres 0, Pasaol 0.

Magnolia (51) –  Sangalang 8, Laput 6, Dionisio 6, Lee 6, Dela Rosa 5, Barroca 5, Tratter 4, Balanza 4, Escoto 2, Corpuz 2, Eriobu 2, Mendoza 1, Reavis 0.

Qs: 21-14, 35-21, 56-34, 74-51.