BUTATA si Chris Newsome ng Meralco laban kay Sidney Onwubere ng Ginebra sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals kahapon sa MOA Arena. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro sa Miyerkoles:
(Dasmariñas Arena)
4:30 p.m. – Ginebra vs Meralco
7:30 p.m. – San Miguel vs Rain or Shine
PINATAOB ng Meralco ang Barangay Ginebra, 103-91, sa Game 2 upang itabla ang kanilang PBA Philippine Cup best-of-seven semifinal showdown sa 1-1 kahapon sa MOA Arena.
Nagpamalas ang Bolts ng higit na katatagan kumpara sa kanilang 92-88 defeat noong Biyernes, nasayang ang 13-point halftime lead subalit hindi bumigay upang makaganti.
“That’s one those we talked about… keeping the poise whatever comes,” sabi ni Chris Newsome, kabilang sa mga player na nagpanatili sa kahinahunan ng Bolts sa gitna ng pananalasa ng Gin Kings sa final half.
“We’re more aligned today,” wika ni coach Luigi Trillo sa pagkakaiba mula sa kanilang ipinakita sa Game 1 kung saan nakipagsabayan sila sa Kings sa first half subalit tumukod sa second.
“But we have things to improve on. And we know Ginebra’s going to come back, and we have to be ready,” dagdag ni Trillo.
Sinira rin ni Bolts ang career performance ni Christian Standhardinger na tumapos na may 41 points at 11 rebounds.
Lumayo ang Meralco sa third period kung saan lumamang ito ng 17 sa kaagahan ng frame, subalit na-outscore ng Ginebra ang Bolts, 32-18, at tinapos ang quarter na abante sa 74-73.
Gayunman ay nabawi ng Bolts ang kontrol sa laro sa fourth period kung saan nalimitahan nito ang Ginebra sa 17 points lamang laban sa kanilang 30-point romp.
Nagbuhos si Allein Maliksi ng 25 points, habang nagdagdag si Newsome ng 20 points.
Bukod kay Standhardinger, tanging sina Maverick Ahanmisi at Stanley Pringle ang umiskor ng double digits na may 14 at 13 points, ayon sa pagkakasunod.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Meralco (103) – Maliksi 25, Newsome 20, Hodge 13, Banchero 11, Almazan 7, Quinto 7, Mendoza 6, bates 6, Pascual 5, Caram 3, Rios 0, Torres 0.
Ginebra (91) – Standhardinger 41, Ahanmisi 14, Pringle 13, j.Aguilar 7, Thommpson 6, Cu 6, Onwubere 3, Tenorio 1, David 0, Pinto 0, Murrell 0.
QS: 32-27, 55-42, 73-74, 103-91.