BAGAMA’T nagdagdag ang Meralco ng lakas sa kanilang arsenal sa PBA Governors’ Cup, kailangan pa ring sumandal ni coach Norman Black sa depensa para upang masikwat ang pinakaaasam na kampeonato.
“Defense is going to be key for us,” wika ni Black. “I hope we don’t get into a scoring contest with them. If we could defend, then we could have a better chance of winning.”
Bagama’t pangungunahan nina Raymond Almazan, Allein Maliksi, John Pinto, at rookies Bong Quinto at Trevis Jackson ang koponan ngayong season, ang depensa pa rin ang aasahan ng Bolts sa season-ending meet na nakaangkla kay two-time Best Import Allen Durham.
Papasok sa finals na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum, ang Meralco ang no. 1 defensive team ng liga at top ballclub pagdating sa rebounding.
Ayon kay Black, dapat maglaro ang Bolts na naaayon sa kanilang lakas, sa halip na makipagkumpetensiya sa Barangay Ginebra sa high-scoring game, na siyang forte ng Kings.
“We understand we’re going up against a high-scoring team, and they’re also the leading shooting team in the league. So I have to worry about that also,” ani Black.
“The fact that they shoot well from the three-point (line) since Stanley Pringle join them, they become a very, very good three-point shooting team. Of course, LA Tenorio is also shooting a high percentage along with Justine Brownlee.”
Kaya para kay Black, ang susi ay ang pabagalin ang opensa ng Kings para magkaroon ng pagkakataon ang Bolts na makabawi sa katunggali na dalawang sunod na tumalo sa kanila noong 2016 at 2017.
“I talked about our defense all the time, but Ginebra is the leading shooting team in the league and they lead the league in assists. So our defense will be shown and tested,” anang 1989 grand slam coach.
Comments are closed.