Standings:
W L
Rain or Shine 4 1
Alaska 3 1
Meralco 3 1
TNT 3 1
Magnolia 2 1
GlobalPort 3 2
Columbian 3 3
Phoenix 2 2
Barangay Ginebra 1 2
NLEX 1 4
San Miguel 0 2
Blackwater 0 5
Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Blackwater vs TNT
7 p.m. – Meralco vs Magnolia
TATANGKAIN ng Talk ‘N Text at sister team Meralco na sumalo sa liderato sa magkahiwalay na laban sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa Araneta Coliseum.
Haharapin ng Tropang Texters ang kulelat at wala pang panalong Blackwater sa unang sultada sa alas-4:30 ng hapon habang sasagupain ng Bolts ang Magnolia sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi.
Determinado ang Blackwater na manalo para makabangon mula sa apat na talo, dahilan para palitan ng management si coach Leo Isaac at kinuha ang serbisyo ni Bong Ramos.
Si Ramos, kasama ni Isaac sa Mapua na naglaro sa NCAA, ay naging coach ng Indonesian basketball team bago pumasok sa PBA kung saan naging assistant coach siya sa ibang PBA teams.
Pinapaboran ang Texters kontra Elite at inaasahang magiging dikdikan ang laban ng Bolts at Hotshots dahil parehas ang kanilang lakas.
Bagama’t angat sa laban, ayaw magkumpiyansa ni TNT coach Nash Racela.
“I reminded my players to always play their best whoever our rival to ensure victory. I kept reminding them never underestimate a rival and always play above board to avoid embarrassment,” sabi ni Racela.
Pangungunahan ni import Jeremy Tyler ang opensiba ng TNT, katuwang sina Jayson Castro, Troy Rosario, Roger Pogoy, Anthony Semerad, RR Garcia at ang bagong lipat na si Terrence Romeo.
Hindi pa nakatitikim ng panalo si coach Ramos at pagkakataon niya ngayon na bigyan ng panalo ang Blackwater at ipakita na hindi nagkamali ang management sa pagkuha sa kanya.
Sasandal si Ramos sa maiinit na kamay nina Filipino-American Michael Vincent de Gregorio, Michael Miranda, John Paul Erram, James Sena, Roi Sumang at Nard John Pinto. CLYDE MARIANO
Comments are closed.