BOLTS TUMATAG SA NO. 2

Mga laro ngayon:

DHVSU Gym, Bacolor, Pampanga

2 p.m. -Rain or Shine vs NorthPort

4:35 p.m. – Magnolia vs San Miguel

7 p.m.- Terrafirma vs Alaska

NAGLARO na wala ang tatlo sa kanilang key players, nakaiwas ang Meralco Bolts sa pagkulapso at ipinalasap sa Blackwater ang record-setting 19th straight loss, 104-97, sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagbuhos si Allein Maliksi ng 21 points at 10 rebounds habang nagdagdag si Raymond Almazan ng 15 points, 17 rebounds, at 3 blocks para sa Bolts na umangat sa 7-2 kartada at pinalakas ang kanilang tsansa para sa twice-to-beat bonus sa quarterfinals.

Naging krusyal din si Mac Belo laban sa kanyang dating koponan nang magposte ng 8 points at boards para sa Meralco, na hindi nakasama sina Chris Newsome, Cliff Hodge, at Aaron Black.

Tinapos ng Blackwater ang kanilang kampanya na walang panalo sa 0-11 at 0-19 ito mula pa noong nakaraang season, na bagong record para sa pinakamaraming magkakasunod na talo sa kasaysayan ng PBA.

Nagbida para sa Bossing si KG Canaleta na gumawa ng 15 points mula sa bench habang nag-ambag din sina Mike Tolomia at Richard Escoto ng tig-15.

Ang Blackwater ay naging unang koponan din na walang naipanalo sa isang conference magmula nang maitala rin ng Kia Picanto ang  0-11 sa 2017 Governors, Cup.

Sa ikalawang laro ay tinapos ng league-leading TNT Tropang Giga ang elimination round na may impresibong 10-1 record makaraang pataubin ang Alaska Aces, 103-85.

Nanguna si RR Pogoy para sa Tropang Giga na may  18 points, habang nagdagdag si Poy Erram ng 17 markers kung saan pinalawig nila ang kanilang winning streak sa apat na laro.

“The only thing we talked about [during] pre-game was how we can grow,” wika ni TNT coach Chot Reyes.

“We wanted to try some things in this game that we haven’t been doing, that we haven’t done in the past few games and that’s all we’re focused on now – just to continue growing, getting better as a team.” CLYDE MARIANO

Iskor:

Unang laro

Meralco (104) – Maliksi 21, Almazan 15, Jackson 14, Hugnatan 14, Quinto 10, Belo 8, Caram 8, Pasaol 7, Badao 6, Jamito 1, Jo-se 0, Pinto 0.

Blackwater (97) – Canaleta 15, Tolomia 15, Escoto 15, Enciso 14, Torralba 12, Daquioag 9, Magat 8, Cruz 4, Golla 3, Dennison 2, Paras 0, Semerad 0, Amer o, Desiderio 0, Nabong 0.

QS: 31-14, 61-38, 85-71, 104-97

Ikalawang laro

TNT (103) – Pogoy 18, Erram 17, M. Williams 12, Williams 12, Alejandro 11, Reyes 9, Marcelo 7, Rosario 5, Exciminiano 3, Mendoza 3, Heruela 2, Castro 2, Javier 2, Khobuntin 0, Montalbo 0.

Alaska (85) – Tratter 12, Casio 11, Marcelino 9, Banal 9, Digregorio 8, Brondial 8, Browne 7, Herndon 5, Ahanmisi 5, Adamos 4, Teng 4, Ebona 3, Ilagan 0, Stockton 0, Publico 0.

QS: 22-15, 49-37,68-56, 103-85

8 thoughts on “BOLTS TUMATAG SA NO. 2”

Comments are closed.