BOLTS WAGI, BEERMEN BIGO SA EASL SEASON 2 OPENER

MAGKAIBA ang naging kapalaran ng home teams Meralco at San Miguel Beer sa kickoff leg ng EASL Season 2 sa Mall of Asia Arena noong Miyerkoles ng gabi.

Sinira ng Bolts ang league debut ng Macau Black Bears, 97-85,habang ang Beermen ay pinataob ng Suwon KT Sonicboom ng Korea, 87-81.

Nanguna si Chris Newsome sa scoring na may 18 points at umiskor sina imports Allen Durham at DJ Kennedy ng tig-17 para sa Meralco, na lumamang ng hanggang 19 points sa laro.

Nagdagdag si Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame ng 9 points at 9 rebounds sa kabila na naglaro lamang ng 17 minuto sa kanyang unang laro sa regional league.

Sumandal ang Black Bears, runner up sa Zamboanga Valientes sa The Asian Tournament Grand Finals, dalawang buwan na ang nakalilipas, sa towering frontcourt nina Will Artino, Sam Deguara, at Jeantall Cylla subalit hindi pa rin itong binatbat laban sa reigning Philippine Cup champions sa kabila na nagtala ang tatlo ng pinagsamang 54 points at 32 rebounds.

“It’s nice to win our first game here in the country. We played with a lot of pride, although we didn’t play our best game,” pag-aamin ni coach Luigi Trillo, na ang Bolts ay galing sa three-game sweep ng Barangay Ginebra Kings sa PBA Governors Cup quarterfinals.

“At least we got one over here in our home turf.”

Sa kasawiang-palad ay kabaligtaran ang sinapit ng San Miguel, na hindi napanatili ang magandang first half kontra Korean Basketball League runner up.

Ang Beermen ay na-outscore ng Sonicboom sa third quarter, 29-19, upang kunin ang six-point lead papasok sa final quarter.

Nagbanta ang defending Commissioner’s Cup champion sa huling pagkakataon sa 75-73, subalit bumanat ang Sonicboom ng 9-0 run sa pangunguna ni import Rayshaun Hammonds upang umabante ng 12 puntos para sa Sokors.

Tumapos si Hammonds na may 39 points at 14 rebounds, kabilang ang pito sa output ng Suwon KT sa game-changing run.

Nagdagdag sj Heo Hoon, anak ni great Korean gunner Hur Jae at ang 2020 KBL MVP, ng 17 points at 9 assists.

Tumapos si EJ Anosike na may 34 points at 7 rebounds, habang nag-ambag si June Mar Fajardo ng 19 points at 9 boards para sa San Miguel.
CLYDE MARIANO

Iskor:
Unang laro
Suwon KT Sonicboom (87) — Hammonds 39, Heo 17, Han 14, Ha 9, Tilmon 8, Moon 0, Choi 0, Lee 0, Moon 0, Park 0, Ko 0.

San Miguel (81) — Anosike 34, Fajardo 19, Miller 8, Lassiter 8, Perez 7, Rosales 3, Trollano 2, Tautuaa 0, Ross 0, Cruz 0.

Quarterscores: 23-20; 39-43; 68-62; 87-81.

Ikalawang laro
Meralco (97) — Newsome 18, Durham 17, Kennedy 17, Banchero 14, Kouame 9, Almazan 7, Quinto 7, Hodge 4, Caram 2, Bates 2.

Macau Black Bears (85) — Cylla 23, Artino 23, Chongqui 21, Leung 10, Deguara 8, Chao 0, Li 0, Zeng 0, Lao 0, Chan 0.

Quarterscores: 24-17; 43-39; 73-64; 97-85.