BOLUNTARYONG LIFESTYLE CHECK SA DAR OFFICIALS HINILING

Agrarian Reform Secretary John Castriciones

HINILING ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones sa kanyang mga kapwa opisyal sa departa-mento na magsagawa ng boluntaryong lifestyle check bilang bahagi ng pagsuporta sa pamahalaan kontra katiwalian.

Sa isang kalatas sa ipinalabas na Memorandum Order, nanawagan ang kalihim sa mga 3rd level official na tingnan ang kanilang mga puwesto upang mapakita na malinis ang kanilang hanay.

“In the exigency of the service and in line with the directive of the President to eradicate systemic graft and corruption in all branches of government service, all third level officials are encouraged to be subjected to a voluntary lifestyle check,” nakapaloob sa kalatas ng Memorandum Order na ipinalabas ni Castriciones.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 89 opisyales ng DAR ang sumunod na nagsumite na kaugnay ng lifestyle check na isinasawa sa buong kagawaran.

Napag-alaman sa ilalim ng third level officials, kinabibilangan ito ng undersecretaries, assistant secre-taries, directors, at assistant directors

Kasunod nito, bumuo na rin si Castriciones ng anti-corruption task force bilang suporta sa inisyatibo na ginagawa ni Pangulong Duterte para labanan ang katiwalian sa pamahalaan. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.