BOMB SCARE TEXT SA REGION 6 HINDI GALING SA PULIS

BOMB TEXT

ILOILO – HINDI kailanman magsisi­mula ng pananakot ang Philippine National Police (PNP).

Ito ang nais ipa­hayag ni Supt. Joem Malong, tagapagsalita ng Police Regional Office -6 kasunod ng mariing pagtanggi na siya ang nasa likod ng umano’y bomb scare sa Iloilo.

Aniya, ipinasa lang niya ang nakuhang impormasyon ng kanilang tanggapan ukol sa kumakalat na “fake news” hinggil sa bomb scare.

Nitong linggo ay naiulat ang pagkalat ng text message tungkol sa nakatakdang pagpapasabog umano at paglusob ng ISIS sa lalawigan.

Paliwanag pa ni  Malong, binalaan lamang niya ang mga re­sidente laban sa maling impormasyon at hindi inako bilang sariling ulat.

Pinayuhan din nito ang publiko na mag-doble ingat sa pagtanggap at pagpapasa ng mga natatanggap na balita.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.