BOMB THREAT NAITALA, MAG-AARAL NAGULANTANG

BOMB THREAT-2

ILOILO – IKINAGULANTANG ng pulisya sa Iloilo ang sunod-sunod umanong bomb threat sa siyudad,

Sinabi ni Sr. Supt. Martin Defensor Jr., director ng Iloilo City PNP, na may kumakalat na text message sa ilang mag-aaral ukol sa banta ng pagpapasabog ng mga paaralan.

Batay sa huling ulat, University of San Agustin ang huling biktima kung saan isang mensahe umano ang pinadala sa Facebook ng page ng unibersidad.

Kinilala ang pinaniniwalaang suspek na isang “Felix Tan” na nagsabing may bomba umano sa Rada Hall ng naturang unibersidad.

Agad namang nagsuspinde ang paaralan ng klase kasunod ng bomb threat.

Rumesponde rin ang Explosive Ordnance Division ng pulisya at kinumpirma na walang eksplosibo sa paaralan.

Noong Lunes nang bulabugin din ng parehong banta ang Ateneo de Iloilo kung saan isang improvised explosive device ang natagpuan sa loob ng paaralan ngunit walang pulbura. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.