Kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero nitong Miyerkoles na may bomb threat sa Senado.
“Yes… through the Senate’s social media account… While it was not considered as a credible and serious threat, the OSAA (Office of the Sergeant-At-Arms) is nevertheless taking the necessary precautions,” ani Escudero.
Sa kabila ng hindi itinuturing na isang “kapani-paniwala at seryosong banta,” hinigpitan ng Senado ang seguridad nito.
Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug na may nag-post sa Facebook page ng Senado noong Martes ng umaga, gayunpaman, sinabi niya na maaaring ito ay isang “prank” dahil nag-post din ang user sa ibang mga account.
Masusing iniinspeksyon ang mga sasakyang papasok sa Senado.
LIZA SORIANO