BULACAN- DEAD on the spot ang Indian National matapos pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na nakamotorsiklo sa Brgy, Poblacion sa bayan ng Sta.Maria sa lalawigang ito.
Sa inisyal na ulat ni Lt. Col.Voltaire Rivera, sakay nang Ford SUV na may plakang no. NAV 8238 ang biktimang nakilala lamang na alyas Jerson Singh nang paputukan ng mga suspek ganap na alas-11 kahapon ng umaga.
Nabatid na bago ang pamamaril una nang bumaba ng sasakyan ang asawa ng biktima,kung saan papasok sana sa Parking lot nang lapitan ng armadong lalaki na nakasuot ng facemask.
Ayon pa sa mga pulis na nagpapautang umano ang mag-asawa sa mga may-ari ng puwesto sa palengke ng Sta.Maria,kung saan kahapon ang araw ng kanilang paniningil nang mangyari ang krimen.
Sinasabing pitong putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar at sumigaw ang isa sa mga suspek na hindi nila target ang lalaki kundi yong babae.
Samantala, may teyorya naman ang mga pulis na posibleng malaking pautang ang dahilan ng pamamaslang.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng pamamaril.
THONY ARCENAL