BOMBER NG MT. CARMEL CATHEDRAL SAPUL SA CCTV

CCTV-2

SULU – INIHAYAG ni  Philippine National Police (PNP) Chief, DG Oscar Albayalde na natukoy nila ang isa sa mga suspek sa twin bombing sa Jolo, Sulu na nakuhanan ng CCTV footage.

Kinilala ng PNP ang suspek na si alyas Kamah na kapatid ng napaslang na isang ASG sub leader.

Mula sa Sulu, sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, ang improvised explosive device (IED) na ginamit ay electronically detonated dahil nasa timing ang pagsabog.

Sa ngayon wala pa ring ebidensiya na ang twin bombing ay kagagawan ng suicide bomber.

Ayon pa sa PNP chief batay sa ulat ng EOD team, mga GI sheets na stainless ang ginamit sa bomba pero hindi pa matukoy ang substance o mga sangkap.

“Sa ngayon ang sinabi lang ng ­ating EOD ay GI sheet ang ginamit, parang pinanggagawa ng stainless jeep at parang talagang ginawa siya, hindi siya lata ng gatas. Its probably as thick as a container of cannister noong mga gatas na two kilos something like that so ‘yun ang assumption. There were no shrapnel used inside. ‘Yung substance na ginamit until now hindi pa ma-ascertain ng ating EOD,” pahayag pa ni Alba­yalde. AIMEE ANOC

Comments are closed.