POSIBLENG makaabot sa Metro Manila ang mga suicide bombers ng tulad sa SULU na naghasik ng terorismo.
Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, sa kanyang pagtataya ay hindi malabong makalusot ang mga suicide bomber at sa Metro Manila manggulo.
Paliwanag ni Dela Rosa, hindi na rin bago ang Metro Manila sa mga terror attack tulad ng mga pagsabog sa pampublikong lugar.
Analysis natin ‘yan, theory natin’ yan na posibleng mangayri. ang Manila nakatikim na ng terror attack, bombing sa LRT, bus, mall nakatikim na noon, so pwedeng mangyari ‘yan at lalo na may intel report na ang mga anak ng napatay na Abu Sayyaf members ay kinukupkop ng ASG at NIRA-RADICALIZED, ” ani Dela Rosa
Pagdidiin pa ni Dela Rosa, mayroon nang mga pagsabog na kagagawan ng mga Filipinong suicide bombers at lalo pa aniya itong dumarami, kung kaya’t hindi talaga malabong makaabot ang mga ito sa Metro Manila.
Panawagan ni Dela Rosa, dapat agad na matutukan ng mga awtoridad ang mga teroristang grupo at hindi na kumalat pa sa ibang mga lugar.
Sa security forces sana ma-isolate na ang terrorist sa south doon pa lang ‘di na makarating sa Metro Manila,” ani Dela Rosa sa panayam ng DWIZ
Samantala, iginiit din ng senador na maaari nang pairalin dito ang Anti-Terror Law.
Comments are closed.