Standings W L
*Letran 12 3
* LPU 11 5
Benilde 10 4
San Beda 10 5
Perpetual 7 9
SSC-R 6 8
JRU 6 9
Arellano 6 9
Mapua 6 10
EAC 2 14
*Final Four
Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R vs Benilde
3 p.m. – Perpetual vs Arellano
NAGLARO na walang pressure, sinibak ng University of Perpetual Help System Dalta ang Jose Rizal University sa Final Four race sa 72-60 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Sa kanilang ika-9 na talo sa 15 laro, ang Bombers ay bigong makausad sa Final Four sa ika-4 na sunod na season.
Isa itong nakadidismayang kampanya para sa JRU, na nagpakita ng potensiyal matapos ang 5-2 simula, subalit napigilan ng 18-day break dahil sa health and safety protocols ang momentum kung saan natalo ang Bombers sa pito sa huling walong laro.
Hindi rin nakatulong sa kampanya ng JRU ang pagwawala ni John Amores noong nakaraang Martes kontra College of Saint Benilde na nagresulta sa kanyang indefinite suspension ng liga.
Sa ikalawang laro, nagbuhos si Enoch Valdez ng season-high 30 points nang makabalik ang Lyceum of the Philippines University sa Final Four matapos ang one-season absence at itinulak ang San Sebastian sa bingit ng pagkakasibak sa 73-65 panalo.
Sa 11-5 record, ang Pirates ay umangat sa virtual tie sa Blazers (10-4) sa second place, at nanatili sa kontensiyon para sa ikalawang twice-to-beat bonus.
Nalasap naman ng Stags ang kanilang ika-8 kabiguan sa 14 laro.
Iskor:
Unang laro:
Perpetual (72) — Egan 14, Ferreras 14, Barcuma 13, Roque 12, Abis 7, Boral 6, Omega 3, Pagaran 3, Flores 0, Cuevas 0, Movida 0, Martel 0, Orgo 0.
JRU (60) — Guiab 16, Miranda 11, Dela Rosa 8, Celis 5, Dionisio 4, Medina 4, Abaoag 4, Tan 2, Villarin 2, De Jesus 2, Delos Santos 2, Mercado 0, Gonzales 0.
QS: 7-15, 25-30, 52-50, 72-60
Ikalawang laro:
LPU (73) — Valdez 30, Bravo 10, Navarro 7, Barba 6, Umali 5, Guadaña 4, Montaño 4, Cunanan 3, Larupay 2, Villegas 2, Peñafiel 0, Aviles 0, Omandac 0.
SSC-R (65) — Calahat 19, Altamirano 11, Yambing 8, Una 7, Villapando 6, Desoyo 6, Are 4, Suico 3, Sumoda 1, Escobido 0, Shanoda 0, Cosari 0.
QS: 18-8, 36-23, 49-49, 73-65.