Kinabayo ni Simon Penafiel(gitna) ng LPU ang pag atake laban kay Marwin Dionisio ng JRU’s sa NCAA mens basketball sa Fil Oil San Juan City. Kuha ni RUDY ESPERAS
Standings W L
Mapua 6 1
San Beda 5 2
LPU 6 3
JRU 5 3
EAC 4 3
Benilde 4 3
SSC-R 3 4
Perpetual 3 5
Arellano 1 6
Letran 0 7
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – Arellano vs Mapua
4 p.m. – SSC-R vs Letran
NAUNGUSAN ng Jose Rizal University ang Lyceum of the Philippines University, 88-87, sa double overtime sa NCAA men’s basketball tournament kagabi sa Filoil EcoOil Centre.
Isinalpak ni Jonathan Medina ang pinakamalaking basket sa laro, isang short jumper mula sa mintis ni Joshua Guiab sa huling 7.5 segundo na nagbigay sa Bombers ng kanilang ika-5 panalo sa walong laro.
Ang Pirates, natalo ng tatlong sunod matapos ang 6-0 simula, ay huling tumabla sac 87-86 makaraang ma-split ni Jearlan Omandac ang kanyang charities sa huling 16.5 segundo.
Umiskor si Enoch Valdez ng putback mula sa three-pointer ni Omandac at nakakuha ng foul mula kay Patrick Ramos tungo sa pagkumpleto sa three-point play sa huling 4.5 segundo ng regulation upang maipuwersa ang overtime.
Nagtala sina Valdez at JM Bravo ng pinagsamang 24 points sa fourth period, na-outscore ang buong JRU team ng lima.
Tinangka ng Bombers na agawin ang panalo ngunit hindi nakaiskor sa huling 1.4 segundo, na naghatid sa laro sa ikalawang overtime.
Ito ang unang double overtime game sa liga magmula nang pataubin ng Mapua ang Letran, 105-101, noong Sept. 13, 2019.
Sa unang laro, natakasan ng San Beda ang University of Perpetual Help System Dalta, 62-60, para mapatatag ang kapit sa third spot.
Iskor:
Unang laro:
San Beda (62) – Puno 12, Alfaro 9, Gonzales 8, Tagle 8, Payosing 7, Cortez 6, Andrada 5, Jopia 4, Visser 3, Gallego 0, Cuntapay 0, Royo 0.
Perpetual (60) – Nitura 15, Pagaran 14, Roque 10, Omega 7, Razon 6, Abis 6, Nunez 2, Barcuma 0, Ferreras 0, Boral 0, Orgo 0.
QS: 15-21; 28-39; 47-54; 62-60
Ikalawang laro:
JRU (88) – Guiab 18, Miranda 14, Dionisio 14, Sarmiento 8, Argente 8, Medina 6, delos Santos 5, Ramos 5, de Leon 4, Pabico 2, Sy 2, Arenal 1, Mosqueda 0, Barrera 0.
LPU (87) – Valdez 24, Bravo 20, Umali 9, Omandac 9, Villegas 8, Peñafiel 8, Barba 7, Montaño 1, Guadaña 1, Aviles 0, Cunanan 0.
QS: 12-17; 34-29; 52-45; 71-71; 82-82; 88-87.