BOND OFFERING NG SMFB APRUB SA SEC

SEC

INAPRUBAHAN ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang public offering ng San Miguel Food and Beverage, Inc. (SMFB) na fixed-rate bonds na nagkakahalaga ng P15 billion.

Layon ng food and beverage flagship ng San Miguel Corporation na mag-alok ng fixed-rate bonds sa dalawang series kung saan ang Series A Bonds ay magma-mature sa loob ng limang taon, habang ang Series B Bonds ay babayaran pitong taon mula sa issue date.

Ang bonds ay ipa­lalabas sa minimum denominations na P50,000 bawat isa, at sa integral multiples na P10,000 pagkatapos.

“They will be listed and traded in denominations of PHP10,000 on the Philippine Dealing & Exchange Corp.,” ayon sa SEC.

Ang net proceeds mula sa offer na tinata­yang nasa P14.81 billion ay gagamitin para pondohan ang pagtubos sa outstanding 15,000,000 Series 2 Perpetual Preferred Shares ng SMFB sa March 12, 2020 sa redemption price na P1,000 per share.

Maaaring tubusin ng SMFB nang buo ang outstanding Series A Bonds sa 101.0 percent sa ikatlong taon o sa 100.5 percent sa ikaapat na taon.

Para sa Series B Bonds, maaaring tubusin ng kompanya ang bonds sa 101.0 percent sa ikalimang taon o 100.5 percent sa ikaanim na taon.

Ang BDO Capital & Investment Corp., BPI Capital Corporation, China Bank Capital Corporation, Philippine Commercial Capital, Inc., PNB Capital and Investment Corporation, RCBC Capital Corporation at SB Capital Investment Corporation ay pumayag nang magsilbing joint lead underwriters at bookrunners para sa offer.

Comments are closed.