PINAKAABANGAN ng marami sa atin ang pagdating ng Sabado o Linggo. May ilan na isang araw lang sa isang linggo ang day off. Ang iba naman, dalawang araw. Pero isa man o dalawang araw ang day off, importante ay may panahon silang makapagpahinga at ma-kasama ang kanilang pamilya.
Kaysaya nga naman ng maraming empleyado kapag sumasapit na ang Sabado o Linggo. Ang ilan, sadyang pinaghahandaan ang ganitong araw. Panahon na nga naman para makasama natin ang ating pamilya.
Madalas, kapag weekend, ginagawang espesyal ng mga nanay ang kanilang mga inilulutong pagkain. Mas pinasasarap nila ito upang masiyahan ang kanilang pamilya. Sinasangkapan pa nila ito ng walang katapusang pagmamahal.
Marami ring empleyado ang masayang-masaya kapag parating na ang weekend lalo na iyong nagtatrabaho sa malayo. Makau-uwi nga naman sila at makakasama nila ang kanilang mahal sa buhay.
May ilan na dahil sa pagod ay inuubos ang weekend sa pagpapahinga at pagtulog. Pero hindi lamang pagtulog ang puwedeng gawin dahil may mga simpleng bagay na maaaring subukan na makapagpapasaya at magbibigay-buhay sa bawat miyembro ng pamilya. At sa mga nag-iisip diyan ng mga maaaring gawin, narito ang ilan sa tips:
MAG-EHERSISYO KASAMA ANG BUONG PAMILYA
May magandang benepisyo ang pag-eehersisyo. Nakapagpapalakas at nakapagpapaganda ito ng katawan. Masaya ring gawin ang pag-eehersisyo kasama ang pamilya upang hindi mabagot at lalong ganahang kumilos-kilos.
Kaya ngayong weekend, mabuting bonding ng pamilya ang pag-eehersisyo. Puwede ninyo itong gawin sa loob lang ng bahay.
MAGTUNGO SA PARK O MUSEUM
May mga lugar o subdivision na may mga parke. Kaysa maglagi ka sa bahay kasama ang buong pamilya, bakit hindi kayo mag-tungo sa park. Bukod nga naman sa pagtungo sa mall, maganda rin ang pagpunta sa mga parke o kaya naman sa museum at library.
MAG-EKSPERIMENTO NG IBA’T IBANG LUTUIN
Maganda ring mag-eksperimento ng iba’t ibang lutuin kapag magkakasama ang buong pamilya.
Isa sa nakauubos ng ideya ay kung ano ang puwedeng iluto. Kung araw-araw ka nga namang mag-iisip ng putahe, hindi maii-wasang maubusan ka ng ideya. Mahirap pa namang maghanda ng ulam o pagkain tapos hindi naman gaanong maiibigan ng pamilya.
Kaya’t para mapadali ang pag-iisip at magkaroon ng mga ideya sa susunod na iluluto, mag-eksperimento kayo ng iyong pami-lya.
PLANUHIN ANG MGA GAGAWIN SA SUSUNOD NA LINGGO
Maganda rin kung paplanuhin na ninyo ang inyong mga gagawin sa susunod na linggo. Pag-usapan ang schedule ng bawat miyembro ng pamilya. Mainam din kung pagpaplanuhan ang bonding o activities na gagawin sa susunod na weekend.
AYUSIN ANG GARDEN AT MAGTANIM NG MGA HALAMAN
Kung mahilig naman kayo sa paghahalaman, puwede ninyong gamitin ang weekend para linisin ang inyong garden at magtanim na rin ng mga halaman. Ngayong maulan, madaling tumubo ang halaman. Hindi rin kayo mahihirapang magdilig.
Piliin lang din ang mga halamang nabubuhay kapag walang tigil sa pagbuhos ang ulan.
TULONG-TULONG NA MAGLINIS NG BUONG BAHAY
Mainam ding gawin ang paglilinis ng buong bahay kasama ang buong pamilya. Kung ikaw nga lang naman ang gagawa o mag-lilinis ng inyong tahanan, tatamarin ka.
Kaya magandang bonding din ang maglinis ng buong bahay. Para rin mapadali ang paglilinis, bawat miyembro ng pamilya ay may mga parteng kailangang linisin. Madali ring natatapos ang isang gawain lalo na kung tulong-tulong.
MAGPAHINGA AT MAG-RELAX
Importante rin siyempre ang pagpapahinga. Kaya magpahinga kayo at mag-relax kasama ang pamilya. Puwede kayong manood ng gusto ninyong palabas. Puwede kayong magbasa ng sama-sama. O kaya naman, magkuwentuhan. Sa pamamagitan nito, mas lalo pang magkakalapit ang bawat miyembro ng pamilya.
Para sumaya, hindi naman kailangang gumastos pa tayo ng malaki. Kahit na nasa bahay lang, puwede pa rin nating ma-enjoy ang weekend kasama ang buong pamilya. (photos mula sa google) CT SARIGUMBA
Comments are closed.