BONG GO BINATI ANG MEDAL PLACERS SA FIBA WORLD CUP

BINATI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Sports, ang Germany sa pagwawagi ng kanilang kauna-unahang FIBA World Cup title.

Tinalo ng German team ang Serbia, 83-77, sa finals na idinaos sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Linggo, September 10.

“The match is a testament to the high level of competition that the FIBA World Cup brings. We are honored to have hosted such a monumental event,” sabi ni Go.

Nakopo ng Germany ang gold medal, inangkin ng Serbia ang silver, at gumawa ang Canada ng kasaysayan sa pagwawagi ng kanilang kauna-unahang FIBA World Cup medal, makaraang pataubin ang United States, 127-118, sa overtime upang kunin ang bronze.

Pinuri rin ng senador ang Pilipinas sa matagumpay na hosting ng World Cup, na co-hosted ng Japan at Indonesia.
“This event is a milestone for Philippine basketball and a testament to our country’s enduring love for the sport,” dagdag pa niya.

Samantala, pinapurihan ni Go ang Gilas Pilipinas sa pagkopo ng puwesto sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments (FOQTs). Tumapos ang koponan sa 24th, kasunod ng panalo laban sa China.

“Our team has shown resilience and the true spirit of Filipino athletes. I am confident that they will continue to make us proud in the upcoming Asian Games and Olympic qualifying tournaments,” aniya.

Ang Asian Games ay gaganapin sa Hangzhou, China sa September 23-October 8, at muling nagpahayag ng buong suporta si Go sa Gilas Pilipinas sa kanilang kampanya sa Asiad.

Nanawagan si Go sa lahat ng Pilipino na suportahan ang Gilas Pilipinas sa kanilang future endeavors, kabilang ang Asian Games at iba pang international tournaments.

“Congratulations sa Gilas Pilipinas! Saludo ako sa players, coaches at pati fans dahil nanaig ang ating ‘never say die’ attitude at hindi tayo nawalan ng pag-asa na makakuha ng puntos sa 2023 FIBA World Cup. Hindi pa rin binigo ng Gilas ang home crowd at naipakita ang kanilang potensyal para sa mga susunod pang mga kompetisyon,” ani Go.

“As a sports advocate and basketball fan, I am looking forward to a good performance in the Asian Games. Ipamalas muli natin ang pusong pinoy na laging lumalaban!”