MATAPOS niyang suriin ang Super Health Center sa bayan ng Rizal, nagpatuloy si Senador Christopher “Bong” Go sa pag-inspeksyon sa Super Health Center sa bayan ng Sto. Domingo, sa Nueva Ecija bnoong Huwebes, Pebrero 23.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Go ang Department of Health at ang lokal na pamahalaan ng Sto. Domingo, sa pangunguna ni Mayor Imee de Guzman, Vice Mayor Jhelyn Velasco, at Congresswoman Mika Suansing, at iba pa para sa pagtutulungan upang matiyak na ang kķ mga nasasakupan ay makakakuha ng abot-kayang pangangalagang pangkalusugan. Nauna na rin niyang kinilala ang pagsisikap nina Nueva Ecija Governor Oyie Umali, Vice Governor Anthony Umali at GP Partylist Representative Jose Padiernos.
Si Go, na nagsisilbing Tagapangulo ng Komite sa Kalusugan at Demograpiko ng Senado, ay inulit ang kanyang dedikasyon upang suportahan ang pagtatatag ng higit pang mga Super Health Center sa buong bansa, kung isasaalang-alang kung paano sila nakakatulong nang malaki upang mabawasan ang mga rate ng occupancy sa ospital.
“Patuloy po akong tutulong sa pagpaparami ng Super Health Centers sa bansa sa abot po ng aking makakaya. Sa mga itinayo ng Super Health Centers, nakita namin kung gaano kalaki ang naitutulong nito sa komunidad lalo na sa rural areas. ‘Yun po ang layunin ng mga Super Health Centers, ang ilapit sa mamamayan ang serbisyong medikal ng gobyerno,” sabi ni Go.
“Mga kababayan ko rito sa Sto. Domingo, natutuwa po ako na mabisita po ang inyong Super Health Center. Ang Super Health Center po is a medium type of a polyclinic, at ang ikinaganda po nito itu-turn over na po ito sa local government units at pwede n’yong palakihin pa. Kung gusto ninyong dagdagan ng mga equipment, lagyan ng dialysis center,” dagdag nito.
Inaalok sa Super Health Centers ang database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray and ultrasound), pharmacy and ambulatory surgical unit. at EENT service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedicine.
Bukod sa Sto. Domingo, walo pang Super Health Centers ang planong itayo sa Camp Tinio, San Leonardo, Aliga, Bongabon, Llanera, Science City Muñoz, Zaragoza, at Rizal.
Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Go, may sapat na pondo ang inilaan sa ilalim ng 2022 Health Facilities Enhancement Program para sa pagtatayo ng mga 307 Super Health Centers. Naging matagumpay rin siya sa pagtulak ng karagdagang pondo sa ilalim ng 2023 budget para suportahan ang pagtatayo ng 322 SHC sa ibang bahagi ng bansa.
“Ang iba po nasa malalayong lugar, magta-travel pa ‘yun ng tatlong oras, apat na oras, ang mga buntis, nanganganak na lang sa mga jeepney at tricycle. Ngayon po with Super Health Center at itu-turn over na ito sa LGU at maaari nilang i-expand, lagyan nila ng dialysis center, pwede na po doon ang panganganak,” ani Go.
“Ngayon po with Super Health Center sa mga strategic areas, pwede na rin po ang pagpapabakuna doon. At dito po sa Nueva Ecija, sa year 2022 ay meron pong apat. Sa year 2023 naman ay meron pong lima. Sa tulong po ‘yan ng mga kasamahan natin sa Kongreso (and) of course, ang atin pong Department of Health officials na sila po ang namumuno,” diin niya.
Pagkatapos ng groundbreaking ceremony, pinangunahan ni Go ang isang relief operation sa municipal covered court kung saan siya at ang kanyang team ay namigay ng mga grocery packs, bitamina, meryenda, maskara, at kamiseta sa 342 na mga residente.
Hinimok nito ang mga nangangailangan ng atensiyong medikal na lumapit sa Malasakit Centers sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital, at Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, ca Cabanatuab CituCabanatuan City, anhhd hvģera General Hospital in Talavera town.
“Ang Malasakit Center naman po is a one-stop shop. Batas po ‘yan na isinulong ko noon. Tinulungan po ako ng mga kasamahan ko sa Kongreso. Pinirmahan po ni (dating) pangulong (Rodrigo) Duterte. Nasa loob po ng ospital ang apat na ahensya ng gobyerno, PhilHealth, PCSO, DOH, DSWD. One-stop shop po s’ya. Center po s’ya. Nasa loob ng ospital.
“Ano po ba ang qualification ng Malasakit Center? Basta Pilipino ka, qualified ka sa Malasakit Center. At mayroon po kayong tatlong Malasakit Center dito sa probinsya.