SA kabila ng patuloy na paghikayat at pagbibigay ng suporta at tiwala sa kanya ng mga tao, muling iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na hindi siya interesadong tumakbo sa ngayon sa 2022 national elections at tiniyak na ang pagtupad sa kanyang mandato at ang pagtulong at pagkakaloob ng serbisyo sa mga Pinoy ang mananatili niyang pokus, partikular na ngayong panahon ng pandemya.
Sa isang panayam kay Go, nang dumalo siya sa paglulunsad ng ika-135 na Malasakit Center sa Basilan General Hospital sa Isabela City, Basilan nitong Sabado, Agosto 14, sinabi ng senador na bagamat pamilyar siya sa mga responsibilidad ng isang pangulo, mas nais niyang mag-pokus sa pagtulong sa mga mamamayan na malabanan ang pandemya sa ngayon, sa halip na talakayin ang mga posibilidad ng susunod na halalan.
“Let me repeat, I am not interested to run for higher office. Ibig sabihin, hindi po ako interesadong tumakbo bilang pangulo ng ating bansa, dahil pagod na pagod na po ako. Alam ko po ang trabaho ng isang pangulo, nandidiyan po ako sa tabi ni Pangulong Duterte,” ayon pa kay Go.
Pinasalamatan din niya ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Salamat po sa inyong tiwala, salamat sa mga taga-Basilan, sa taga Region IX at BARMM, sa inyong tiwala sa amin ni Pangulong Duterte. Number 1 po ako dito sa Basilan (noong 2019 senatorial election), salamat po sa inyo. Kaya, unahin muna natin ang pagseserbisyo sa ating kapwa Pilipino,” aniya pa.
Nauna rito sa isang survey sa may 1,500 registered voters, na isinagawa ng Publicus Asia, nanguna si Go pagdating sa “overall trustworthiness” sa kasalukuyang mga miyembro ng Senado. Ang Pahayag-Quarter 2 survey ay isang independent at non-commissioned poll na isinagawa ng kompanya mula Hulyo 13 hanggang 19, 2021.
Sa nasabi ring survey, pumangatlo si Go sa mga senador pagdating sa overall performance rating habang si Pang. Rodrigo Duterte ay nananatili pa ring mayroong high trust at performance ratings.
Sinabi naman ni Go na sa halip na talakayin ang politika, magpopokus na lamang siya sa pagtugon sa mga agarang pangangailangan ng mga Pinoy at tutulong sa pamahalaan sa pagbuo ng mga pamamaraan para maresolba ang COVID-19 pandemic.
“Bakuna muna bago ang pulitika. Darating rin po ang panahon ng pagpupulitika. October 1 to October 8 filing na po. So doon natin malalaman kung sino ‘yung tatakbo. Ako naman po, please count me out, consider me last kung wala na kayong ibang mapili,” aniya pa.
“Maraming mga Pilipinong gustong tumakbo, marami pong atat na atat. Unahin n’yo na lang sila. Ako po kung ano na lang po ‘yung tira, kung mayro’n pang matitira yun na lang ang sa akin,” dagdag pa ng senador.
Nagpasalamat din ang senador kay Pang. Duterte at kanyang pamilya dahil sa pagkakaloob sa kanya ng pagka-kataon na makatulong hindi lamang sa mga Davaoeños, kung maging sa buong bansa, at sinabing ipinauubaya niya ang kanyang kapalaran sa Panginoon, sa mga Dutertes at sa mga mamamayang Pilipino.
129972 194293Only a smiling visitant here to share the really like (:, btw excellent design and style . 816016
624606 946714numerous thanks for telling!. Truth is usually the most effective vindication against slander. by Abraham Lincoln.. 539473
310077 155321Overall, politicians are split on the issue of whether Twitter is far more for business or private use. The initial thing will be the fact which you can build up quite a large following of people. 710616
739679 937316 I discovered your weblog site on google and check a few of your early posts. Continue to maintain up the extremely excellent operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more from you later on! 354818