UPANG lubos na maka-comply ang ating mga kababayan, lalo na ang mga nagdarahop, sa mandatory face mask policy, suhestiyon ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go na ilibre na ito ng pamahalaan.
“I am urging the government to enforce a stronger mask-wearing policy in the country. Let us make this a discipline among all Filipinos as we continue our fight to stop the spread of COVID-19,” pahayag ni Sen. Go.
“According to experts, wearing the right kind of mask decreases the risk of spreading the virus by 85%. With social distancing and the use of face shields, the risk may be reduced by more than 90%. This is why, in the absence of a vaccine, wearing a mask remains a must,.”
“I am urging the government to use its resources to provide face masks, especially to the poor. Importante po ang mga mahihirap na ‘di makabili ng mask, ito ang gawan nila ng paraan,” pagdidiin niya.
“Ito po ang aking isusulong ngayon. Mananawagan po ako at kakausapin ko ang Executive department. Papakiusapan ko si Pangulong Duterte na magawan ng paraan na mabigyan ng mask ang mahihirap nating kapatid…sana unahin nila ang mahihirap, katulad ng 4Ps beneficiaries na talagang kasya lang ang pera sa pagkain, ‘di kayang bumili ng face mask.”
“Naghihirap na po ang mga Filipino at karamihan ay wala namang pambili ng mask. Maglaan po tayo ng pondo para dito upang mas epektibong maimplementa ang stronger mask-wearing policy sa bansa.”
“Pinaalalahanan ko ang publiko na ang pagsuot ng mask ay pangunahing paraan upang proteksiyunan ang sarili at bilang pagrespeto o pagbibigay konsiderasyon din sa kapwa tao. Huwag nating balewalain ang simpleng patakaran na ito na makapagliligtas ng buhay ng kapwa natin Filipino.”
Comments are closed.