BONG GO, IMEE, AT VP SARA MAGKAKASAMANG NAGDIWANG NG MINASA FESTIVAL SA BUSTOS, BULACAN

PERSONAL  na nakiisa si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 13th Minasa Festival sa Bustos, Bulacan noong Lunes, Enero 9. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng nasabing kasiyahan dahil hindi lamang nito itinataguyod ang Minasa bilang isang masarap na delicacy kundi ipinakita rin ang paraan ng pamumuhay ng mga Bulakeño sa Bustos. Tinutukoy rin bilang cassava cookies, ang Minasa ay isang sikat na treat na kinagigiliwan ng mga lokal at turista.

“Congratulations po sa Minasa Festival. Let us remember the rich history and culture of your town and be grateful for the opportunity to come together as a community to celebrate our shared traditions and values,” ayon kay Go.

“Maging inspirasyon po sana ang okasyon na ito para sa patuloy na pagkakaisa ng inyong komunidad upang makamit ninyo ang mithiin at layunin para sa inyong bayan,” dagdag nito.

Bukod kay Go, dumalo rin sina Vice President Sara Duterte at Senador Imee Marcos, sa festival kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alexis Castro, Bustos Mayor Francis Albert “Iskul” Juan at Vice Mayor Martin Angeles,at marami pang iba.

Sa pagpapatuloy ng kanyang mensahe, inulit ni Go ang kanyang dedikasyon na pagsilbihan ang sambayanang Pilipino sa pinakamahusay na paraan na kanyang makakaya.

“Kahit saan kami pumunta, parati ko pong naririnig na pinapasalamatan po kami, ako at si dating Pangulong (Rodrigo) Duterte… Mawalang galang na po, huwag n’yo po kaming pasalamatan dahil trabaho namin ‘yan. Sa totoo lang po, kami ang dapat magpasalamat sa inyong lahat dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo. Maraming-maraming salamat po.

“Maraming salamat sa inyong tiwala na ibinigay. Kaya ako po’y narito para tumulong sa abot po ng aking makakaya.

Hindi po ako pulitiko na mangangako sa inyo na kaya kong gawin ito. Kahit noon pa man, hindi ninyo ako maririnig na mangangako. Gagawin ko lang po ang trabaho ko sa abot po ng aking makakaya,” dagdag nito.

Sa pagbanggit sa kanyang pananaw na palakasin ang sektor ng kalusugan ng bansa, nag-alok si Go, na tumulong sa mga nangangailangan ng pangangalagang medikal dahil binanggit niya na mayroong mga Malasakit Center sa

Bulacan Medical Center sa Malolos City at sa Rogaciano. M. Mercado Memorial Hospital sa Sta. Maria.

“Mga kababayan ko, Happy Minasa Festival. Mayroon lang po akong ipagbilin sa inyo at sana po ay maalala ninyo ito sa mahabang panahon. Uulitin ko, bukas po ang aking opisina para sa inyong hinaing. Kung ano po ang maitutulong ko po sa inyo, bilang inyong senador, ay patuloy po akong magseserbisyo sa inyong lahat dahil ako po ay naniniwala na ang serbisyo po sa tao ay serbisyo po yan sa Diyos… mga taga Bustos, mga kababayan, mahal na mahal ko po kayong lahat,” pagtatapos nito.

Bong Go dumalo sa groundbreaking ng Bustos Community Hospital
Alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na pahusayin, palakasin, at itayo ang mas maraming pasilidad pangkalusugan sa buong bansa, personal na dumalo si Senador Christopher “Bong” Go sa groundbreaking ng bagong Bustos Community Hospital sa Bulacan noong Lunes, Enero 9.

Ang ospital ay itinayo bilang paggunita sa ika-106 na anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Bustos.

Para sa unang palapag, na planong itayo sa 2023, ang Department of Health ay naglaan ng paunang PhP100 milyon sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program.

Magsisimula ang ospital bilang Level 1 na Ospital na may kapasidad na 25 kama. Sa oras na matapos ang konstruksyon at ang buong ospital ay umaandar na sa 2025, magkakaroon ng 100 kama na magagamit, na nangangailangan ng trabaho ng higit sa 50 mga medikal na propesyonal.

Bilang Tagapangulo ng Komite sa Kalusugan ng Senado at Pangalawang Tagapangulo ng Komite sa Pananalapi ng Senado, itinaguyod ni Go ang pagpopondo ng ospital, na sinasabing ang pagpapaunlad ng naturang mga pasilidad ay isa lamang sa maraming inisyatiba ng pambansang pamahalaan, sa pakikipagtulungan ng mga yunit ng lokal na pamahalaan, mapabuti ang sistema ng kalusugan ng bansa at access sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat.

“Our hospitals and healthcare facilities were caught off guard when the COVID-19 outbreak hit our country. Dahil dito, marami po sa ating mga pasyente ang napilitang pumila ng ilang oras sa ating mga health facilities.

“Kaya naman natutuwa po ako ngayon dahil ang gobyerno, sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, ay patuloy na nagtutulungan para maisaayos ito. Karapatan ng bawat Pilipino na magkaroon ng maayos at maaasahang serbisyong pangkalusugan kahit saan mang sulok ng bansa,” dagdag ng senador.

Nagpasalamat ang provincial health officials at hospital officials kay Go.

“Mula po sa bumubuo ng Bustos Community Hospital, mula po sa LGU Bustos, mula po sa aming Mayor (Francis Albert Juan)… Mapalad po kami dito sa Bustos, Bulacan kasi bihira po na mabigyan kami ng ganitong kalaking proyekto kaya thank you po, Senator Bong Go,” ayon kay Dr. Rowena Ocmer, Medical Director ng Bustos Community Hospital.

“Kay Senator Bong Go, maraming salamat po. Bukod po sa pagpunta ninyo rito at pagbisita sa Bustos, nagpapasalamat din po ako sa mga tulong na ibinigay ninyo sa buong Bulacan. Hindi lang po dito sa Bustos, dahil sa Malolos (City) at Rogaciano meron din po tayong Malasakit Center, sana po ay ipagpatuloy po ninyo iyon,” sabi naman ni Dr. Emely Paulino, Provincial Health Officer ng Bulacan.