HINDI na itutuloy ni Senador Bong Go ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 elections.
Sa ambush interview sa ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan, sinabi ni Go na ayaw niyang maipit si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon jay Go, higit pa kasi sa isang tatay ang pagmamahal niya kay Pangulong Duterte.
Ayaw rin aniya ng kanyang pamilya na tumakbong pangulo ng bansa kung kaya naisip niya na hindi pa niya panahon.
Diyos lang aniya ang nakaalam kung kailan ang tamang panahon.
Sinabi pa ni Go na sa mga nakalipas na araw, hindi magkatugma ang kanyang isip, puso at gawa.
May mga pagkakataon aniya na nagre-resist ang kanyang katawan.
Paliwanag pa niya, tao lamang siya na nasasaktan at napapagod.
Ito aniya ang dahilan kung kaya mas makabubuting iurong na muna ang kanyang kandidatura.