NANANAWAGAN si Sen. Bong Go sa lahat ng Filipino na magtiiis-tiis muna at kalaunan ay malalampasan din ng Fili-pinas na dulot ng Covid-19.
Kooperasyon ng bawat isa, ‘yan ang susi para mapagtagumpayan ang pandemic, dagdag pa ni Sen. Go:
“Wala po kaming ibang hangarin kundi protektahan ang kapakanan ninyo. Konting tiis lang po, ginagawa na ang lahat para maalagaan kayo at malampasan natin ang krisis na ito.
Sinisigurado lang ng gobyerno na ligtas na at hindi magiging dahilan ng lalong pagkalat ng virus ang paglabas ng mga tao. Ayaw natin na mag-spike ulit. Ayaw natin na magkaroon ng second wave pa. Iniiwasan nating mag-collapse ang health system natin.
Hindi naman forever ito. Magtulungan lang tayong maprotektahan ang mga pinaka-vulnerable sa sakit. Phasing naman ito. From ECQ to GCQ, lahat naman tayo gustong mag-normalize ang sitwasyon sa tamang panahon.
Kita naman po sa data na ang elderly population natin ang isa sa mga pinaka-vulnerable sa COVID-19. Nararapat lamang po na doble doble pa rin ang pag-iingat nila.
Dahan-dahanin po natin ang pagluluwag ng quarantine measures dahil vulnerable sila sa sakit. Sana po huwag na muna lumabas ng bahay ang mga matatanda pati na rin ang may mga pre-existing medical conditions. Karamihan po kasi ng severe cases ng COVID-19 ay mga matatanda at ‘yung mga may existing na karamdaman na.
Naninigurado lang po tayo kaya inaabisuhan ng gobyerno ang mga pamilya na huwag na hayaang lumabas ng bahay ang mga bata, matanda, at may karamdaman na kung hindi naman po kailangan.
Dapat bigyan natin sila ng kaukulang atensyon at ipatupad nang maayos ang mga batas at programa na naglalayong mapangala-gaan ang kanilang kalagayan at kapakanan.
Siguraduhin natin na magagamit ng mga senior citizen ang kanilang mga benepisyo base sa batas na ito lalong lalo na sa pagbili nila ng medisina na makakatulong na mapanatili ang kanilang maayos na kalusugan.
Ayon sa 2016 na datos ng DSWD, 19.1% lamang sa ating mga senior citizen ang mayrong GSIS at SSS pension. Kaya nakikiusap din ako na madaliin na ang pagbigay sa mga indigent senior citizens ng kanilang 6-month lump sum Social Pension bilang dagdag na tulong sa panahon ng krisis.
Maliban sa mga poorest of the poor, kasama rin sa mga dapat mabigyan ng ayuda mula sa DSWD ang mga ‘vulnerable groups’ katulad ng mga senior citizen.
Dapat na masiguro ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno na hindi mapapabayaan ang mga senior citizen, lalo na yung mababa o walang kita, o may mga pamilyang sinusuportahan din.”
Comments are closed.