BONG GO, NABABAHALA SA SHORTAGE NG HCWS

PINAALALAHANAN  ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health, ang pamahalaan na tiyaking ang lahat ng local health systems ay nananatiling matibay at matatag, kasabay ng pagbibigay-diin hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na Health Care Workers (HCWs) ngayong may COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, suportado rin ni Go ang direktiba ni Pang. Duterte sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na mag-deploy ng kanilang mga miyembro sa medical corps bilang reinforcement sa mga pagamutan sa Metro Manila, na nagkakaroon ng pagdami ng bilang ng mga medical staff na naka-quarantine matapos na ma-expose sa COVID-19 patients.

“Some hospitals, like St. Luke’s Medical Center, are nearing or already at full capacity level because of the continuing increase in the number of COVID-19-infected people requiring immediate medical attention. Puno na ang kanilang mga pasilidad at kinukulang na rin ang mga medical frontliners,” ani Go.

Upang matugunan naman ang lumalaking pangangailangan sa human resources, iminungkahi rin ng senador ang pagpapalakas at pagsusumikap ng pamahalaan na makapag-deploy pa ng mas maraming HCWs mula sa ibang bahagi ng bansa patungo sa mga pagamutan na itinuturing na COVID-19 hotspots.

Una nang inilunsad ni Go ang inisyatiba, sa pakikipag-kolaborasyon sa Office of the Presidential Assistant sa Visayas, DOH regional offices, local government units, hospitals na may Malasakit Centers at Project Balik Buhay member-private hospitals, na mag-mobilize ng mga volunteer HCWs sa Visayas region para sa deployment sa Metro Manila.

Nilinaw ni Go na ang pagtiyak sa stability ng healthcare system ay dapat na manatiling top priority ng pamahalaan.

Muli rin siyang umapela sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kaagad na bayaran ang mga obligasyon nito sa mga healthcare providers at nagbabala na ang mekanismo para sa pagbabantay sa public funds ay hindi dapat na makahadlang sa kakayahan ng mga pagamutan na magkaloob ng key health services sa mga mamamayan.

Inihayag din ng senador sa HCWs na ang administrasyong Duterte ay committed sa pagtiyak sa kanilang kaligtasan at kapakanan at nangakong isusulong ang agarang pagpapasa ng Senate Bill No. 2398 na magkakaloob ng alokasyon para sa kanilang karagdagang allowance at mga benepisyo, habang umiiral pa ang state of emergency sa bansa dahil sa pandemya.

6 thoughts on “BONG GO, NABABAHALA SA SHORTAGE NG HCWS”

  1. 968318 918515His or her shape of unrealistic tats were initially threatening. Lindsay utilized gun initial basic, whereas this girl snuck outside by printer ink dog pen. I used completely confident the all truly on the shade, with the tattoo can be taken from the body shape. make an own temporary tattoo 521795

  2. 991870 132866Hi! I discovered your website accidentally today, but am genuinely pleased that we did! Its not only entertaining, but in addition straightforward to make use of in contrast to lots that Ive viewed! 651833

Comments are closed.