TAOS PUSONG nagpasalamat si dating Special Assistant to the President (SAP) Secretay Bong Go kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde dahil sa pag-eendorso sa kanya.
Ayong kay Go, susuklian niya ng tapat na serbisyo ang pagsuporta sa kanya ni Bro. Mike at nagsabing ang totoong serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Sinabi ni Go, ang natitirang tatlong taon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ay ilalaan nila sa pagbibigay ng tunay na malasakit sa taumbayan.
Si Go ay isa sa 14 na senatoriable na inanunsiyo ni Bro. Mike sa kanyang mahigit anim na milyong miyembro na kanilang iboboto sa darating na May 13 elections.
Magugunita na ang grupo ni Bro. Mike ay isa sa maraming organisasyon na sumuporta kay President Duterte noong 2016 presidential elections kaya pinalad na manalo bilang Pangulo ng bansa.
Comments are closed.