BINISITA nina Senador Christopher “Bong” Go at dating pangulong Rodrigo Duterte ang Balay Dangupan sa Davao City noong Biyernes, Disyembre 23, para ipalaganap ang holiday cheer sa mga ulila at kawani nito sa pamamagitan ng pagsuri sa kanilang kapakanan habang namimigay ng mga regalo.
Ang Balay Dangupan ay itinatag noong 2018 at ito ay isang crisis intervention facility ng Pamahalaang Lungsod ng Davao na nagsisilbing pansamantalang pamalit na tahanan para sa mga bata.
Nakatuon na iangat ang buhay ng mga Pilipino sa panahon ng krisis, namahagi sina Duterte at Go ng mga Christmas basket, pagkain, gift certificate, at bola para sa basketball at volleyball sa 49 na bata at 29 shelter workers.
“Magkasama po kaming bumisita ni Tatay Digong sa Balay Dangupan na may bitbit-bitbit na mga regalo para sa mga bata at staff doon upang makapag-iwan kami ng kahit kaunting ngiti at kasiyahan sa kanila ngayong Pasko,” pahayag ni Go.
Sa pagpuna na ang mga bata ay isa sa mga pinaka-mahina na sektor dahil hindi nila ganap na kayang ipagtanggol ang kanilang sarili, si Go ay nagpupursige sa pagsusulong ng higit pang mga programa sa proteksyon ng mga bata, na binibigyang-diin na trabaho ng gobyerno na tiyakin na ligtas ang mga batang Pilipino.
Inulit ni Go ang apela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng mas malakas na interbensyon ng gobyerno laban sa pagsasamantala at karahasan sa mga bata, sabay sabi na “Unahin natin ang mga mahihirap, mga hopeless at helpless, mga walang laban tulad ng mga kabataan. Proteksyunan natin ang kanilang kapakanan.”
“Nakakabahala at nakakalungkot po kung mga kabataan pa po ang nagiging biktima dito. It is the State’s duty, like the parent of the nation, to protect its citizen, especially those who are not able to protect themselves, such as children who are vulnerable po and helpless,” pahayag ng senador.
Nauna nang isinampa ng mambabatas ang Senate Bill No. 1188 para amyendahan ang Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” sa layuning pahusayin ang mga hakbang sa proteksyon ng bansa para sa mga bata.
Ang iminungkahing batas ay naglalayong amyendahan ang Seksyon 5 (b) ng Anti-Child Abuse Law patungkol sa parusa para sa mga taong nagsasagawa ng kahalayan o sekswal na aktibidad sa mga menor de edad na wala pang 12 taong gulang.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang mga kahalayan laban sa isang menor de edad na wala pang 12 taong gulang ay pinarurusahan ng reclusion temporal sa katamtamang panahon nito habang ang parehong gawa na ginawa laban sa isang bata na higit sa 12 taong gulang ngunit wala pang 18 taong gulang ay pinarusahan ng reclusion temporal sa medium period to reclusion perpetua.
Sa kabilang banda, ang panukalang pag-amyenda ay magtataas ng parusa sa reclusion temporal sa medium period nito sa reclusion perpetua para sa sinumang indibidwal na mapatunayang lumalabag sa batas sa ilalim ng nasabing probisyon.
“I will continue to push and support initiatives and programs na nakalaan para sa proteksyon ng ating mga kabataan dahil sila ang pag-asa ng ating bayan,” ayon pa kay Go.
Samantala, dati nang pinuri ni Go ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11648, na nagtataas ng edad para sa pagtukoy ng statutory rape mula “below 12 years old” hanggang “below 16 years old”, bilang isang mahalagang hakbang sa paglaban sa sekswal na karahasan at pagsasamantala.
Nilagdaan ni dating pangulong Duterte ang panukala bilang batas noong Marso 4, 2022.
“I am calling on all concerned agencies to take the necessary steps to combat rape and other forms of sexual abuse.
Walang tigil dapat ang pamahalaan sa pagpoprotekta sa kapakanan ng mga kabataan, lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya patuloy sana nating gawin ang lahat upang proteksyunan sila.”
“Sa mga kabataan naman, kung may kailangan kayo, lapitan niyo lang ang aming mga opisina. Nandirito ang gobyerno para tulungan kayo,” pagtitiyak nito.
Binisita rin ni Go ang Co Su Gian Home for the Aged sa Barangay Buhangin, sa Davao City, kung saan personal siyang nagbigay ng tulong sa mga matatanda at gayundin sa ilan sa mga retirement home worker.