NANAWAGAN si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ng pagkakaisa sa iba’t ibang organisasyon habang lumalaban ang bansa sa (COVID-19) pandemic.
Sa kanyang virtual attendance sa induction and turnover ceremonies ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA), sinabi ng senador na sa panahong ito ng walang katiyakan ay kailangang mag-ambag ang bawat isa para sa ikabubuti ng bansa. “Bagama’t magkakaiba tayo ng trabaho – kayong mga accountants, at kaming mga mambabatas – lahat po tayo ay public servants na may kakayahan na makatulong sa bayan upang malampasan ang krisis na ito.”
Sa kanyang talumpati sa Zoom, sinabi ni Go na kailangan ng bansa ng solidarity of organizations, tulad ng PICPA. “Ngayon na may hinaharap tayong krisis, importante po na magbayanihan ang iba’t ibang sektor ng lipunan para maiahon ang ating bansa, as we prepare for the ‘new normal’ and provide our fellow Filipinos hope for a better future.”
Tiniyak din ng senador sa public accountants at iba pang professionals na ipagpapatuloy nito ang pagsusulong para sa kapakanan at proteksiyon ng mga ito. Kasalukuyang pinag-aaralan ni Go ang posibleng pag-amyenda sa Continuing Professional Development Law. Humihingi ito ng suhestiyon sa PICPA tungkol sa bagay na ito. “I am always willing to listen to you and make sure that your concerns will be heard and addressed,” dagdag nito.
“Isipin ninyo, nag-aral na kayo ng ilang taon, pumasa na kayo sa board exams, patuloy kayong nagtatrabaho, tapos kailangan ninyo pang gumastos muli para lang maipagpatuloy ang inyong propesyon,” ayon pa sa senador.
Comments are closed.