NANAWAGAN sa gobyerno si Senador Bong Go para sa patuloy na pagsuporta sa sports program at mga atleta ng bansa sa kabila ng COVID-19.
Bilang Chair ng Senate Committee on Sports, nananawagan si Senator Go sa pamahalaan at sa lahat ng mga Filipino na patuloy na ipakita ang kanilang taos-pusong suporta sa mga atleta at sports program ng bansa. Aniya, ang sports ay mahalagang bahagi ng kultura at ekonomiya na nagdadala ng karangalan sa Filipinas.
Nagpasalamat din ito sa mga ahensiyang tumututok sa sports sa kanilang inisyatibo para maalagaan ang ating mga manlalaro sa gitna ng COVID-19.
Hinikayat niya rin ang Philippine Sports Commission at Games and Amusement Board na bumuo ng mga polisiya at programa na magpapanatili ng kaligtasan ng mga atleta para makapaglaro at makapagtraining sila nang hindi nailalagay sa alanganin ang kalusugan.