MULING ipinadala ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang team sa Banate, Iloilo noong Mayo 31 hanggang Hunyo 1 para magbigay ng tulong sa mas marami pang nasalanta ng bagyo. Sa kanyang video message, binigyang-diin ni Go ang agarang pangangailangan na maitatag ang Department of Disaster Resilience upang mapahusay ang kahandaan at kakayahan sa pagtugon ng bansa sa harap ng mga darating na kalamidad.
Binigyang-diin niya na ang naturang kagawaran ay pagsasama-samahin at i-streamline ang mga pagsisikap sa pamamahala ng sakuna, na nagtitiyak ng mas epektibo at mahusay na pagtugon sa mga natural na kalamidad.
“Bakit kailangan nating magkaroon ng isang departamento for disaster? Ang nangyayari po kasi, ‘pag mayroong bagyo, pag-alis po ng bagyo, wala na pong maiiwan doon for rehabilitation efforts. Ang mga task force na binubuo, pwedeng mawala sa susunod na termino,” paliwanag ni Go.
“Dapat po mayroong isang cabinet-level na bago pa dumating ‘yung bagyo, coordination with LGUs, preposition of goods kaagad, at ilikas ‘yung mga kababayan natin sa ligtas na lugar. At pag-alis po ng bagyo, rehabilitation efforts and restoration of normalcy. Kung hindi po cabinet-level, ‘yung authority at continuity po nawawala,” diin nito.
Ang panukala ni Go, ang Senate Bill No. 188, ay naglalayong lumikha ng DDR upang pagsama-samahin ang lahat ng mahahalagang tungkulin at mandato na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa kalamidad.
Bukod dito, kung maisasabatas ang panukalang batas, isang Humanitarian Assistance Action Center ang itatatag na magiging isang one-stop shop para sa pagproseso at pagpapalabas ng mga produkto, kagamitan at serbisyo, upang matiyak ang napapanahong paghahatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta.
Samantala, idinaos ng grupo ni Go ang relief activity sa municipal gymnasium kung saan umabot sa 2,625 na biktima ng bagyo ang kanilang tinulungan.
Samantala, nagpaabot naman ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development.
Pinaalalahanan din ni Go, Chair ng Senate Committee on Health, ang mga apektadong residente na unahin ang kanilang kalusugan. Pagkatapos ay pinayuhan niya ang mga ito na humingi ng serbisyo ng Malasakit Centers sa buong lalawigan kung kailangan nila ng tulong medikal.
Ang programa ng Malasakit Centers ay brainchild ni Go at na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463, na siya ang pangunahing nag-akda at nag-sponsor. Ang sentro ay isang one-stop shop na nag-aalok ng mga programa sa tulong medikal ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.