MULING pinatunayan ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang pangako na tulungan ang mga mahihinang sektor sa gitna ng mga kasalukuyang hamon na kinakaharap ng bansa habang siya at ang kanyang team ay naghahatid ng tulong sa mga naghihirap na pamilya sa Calamba City, Laguna noong Miyerkoles, Pebrero 15.
“Ako naman po, (gusto kong) makatulong sa inyo, makapagbigay ng solusyon sa inyong mga problema, makatulong sa mga proyekto rito, at makapag-iwan po ng kaunting ngiti sa panahon ng inyong pagdadalamhati,” pahayag ni Go.
“Tao lamang kami, napapagod rin po kami. Pero ‘pag nakikita namin kayong masaya, nawawala po ang aming pagod. Iyon po ang totoo,” dagdag nito.
Namigay si Go sa Laguna Provincial Capitol-Extension ng food packs, masks, snacks, at vitamins sa may 396 mahihirap na residente. Namigay rin sila ng bisikleta, sapatos, cellular phone, watch, shirts, at mga bola.
“Bagama’t boluntaryo na po ang pagsuot ng face mask, hindi natin alam kung sino ‘yung may dalang sakit sa (ating mga) pamamahay. Kaya mas maiging magsuot pa rin tayo kung hindi naman po sagabal sa inyong parte, ‘di ba?” himok ni Go.
Bilang Tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa mga karapat-dapat na residente na mabakunahan at mapalakas laban sa COVID-19 upang mas mapangalagaan ang kanilang sarili at ang kanilang komunidad mula sa virus.
“At tsaka magpabakuna kayo dahil ang bakuna lamang po ang tanging susi para unti-unti tayong makabalik sa normal na pamumuhay. Ngayon, may naibabalita na bagong variant na Kraken, pero ‘pag bakunado kayo, mas protektado po kayo mula sa sakit na COVID-19. Magpabakuna na ho kayo, magpa-booster na po kayo ‘pag qualified na po kayo. Libre naman ito at pinaghirapan ito ng ating gobyerno,” dagdag ni Go.
Namigay rin ng cash ang Department of Social Welfare and Development.
“At ‘yung mga empleyado po ng DSWD na nagsasakripisyo, nag-o-overtime sa inyo, salamat po. In fact, nasa likod po ‘yung mga empleyado, nagba-validate sila, nagbibigay (ng) tulong po,” ayon pa rito.
“Ako po ang chair ng Committee on Health sa Senado. Ang aking advocacy po ay health. I-improve ‘yung healthcare system natin, karagdagang mga specialty center. ‘Yung mga Malasakit Center po, mayroon na tayong 154 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong po sa inyo.”
Bilang adopted son ng CALABARZON, si Go ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga lokal na opisyal para sa kanilang patuloy na pagsisikap na matiyak na ang kanilang mga nasasakupan ay mahusay na suportado, kabilang ang Laguna 2nd District Representative Ruth Hernandez, Governor Ramil Hernandez, Vice Governor Karen Agapay, Calamba CityMayor Ross Rizal, Cavinti Vice Mayor Milbert Oliveros, at Laguna 1st District Board Member JM Carait.