NAITALA si Senador Christopher ‘Bong’ Go na pangalawa siya sa pinakamahirap na senador sa 18th Congress sa ipinalabas na Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) nito.
Sinabi ni Go na idineklara niya ang kanyang mga ari-arian at para sa kanya, siya ang pinakamayaman sa serbisyo.
Ayon sa senador, hindi sila inihalal ng taumbayan dahil sa pera o kayamanang mayroon sila kundi inihalal sila para magserbisyo sa mamamayan.
Nilinaw ni Go na tingnan na lamang ng publiko ang serbisyong kaniyang ipinagkakaloob. VICKY CERVALES