SINAGOT kahapon ni Sen Bong Go ang komento ng World Health Organization (WHO) na ang Filipinas ang may pinakamabilis sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 infection sa buong Western Pacific Region.
Sinabi ni Go na wala pang bakuna at gamot sa sakit na ito kaya mahigpit ang pagpapatupad ng mga hakbangin para makaiwas sa pagkalat nito.
“Kung susunod po tayo sa mga patakaran at patuloy tayong magtutulungan para maiwasan ang pagkalat ng sakit, kung mas maisasaayos din ang ating health facilities and capabilities — ito po ang mga tanging makakapagsabi kung kailan natin malalampasan at tuluyang matapos ang krisis na dulot ng COVID-19.
Bilang chair ng Senate Committee on Health, patuloy ang aking panawagan na pagbutihin pa lalo ng gobyerno ang kanyang Test, Trace and Treat strategy. Habang tumataas ang kaso ng COVID-19, mas tumataas rin dapat ang quarantine, contact tracing, at necessary treatment capabilities natin,” pahayag ng senador.
“As a legislator, I am also committed to push and support necessary legislative measures that can address the most immediate needs of our people at this time of crisis. Among others, we need to immediately pass the Bayanihan to Recover as One bill. Hanapan dapat ng paraan na mapondohan ang mga programang kinakailangan upang maitigil na ang pagkalat ng sakit, mailigtas ang mga naghihirap na Filipino, at makabangon muli ang ekonomiya ng bansa.
Sa anumang mga hakbang na gagawin ng gobyerno at pati ng mga ordinaryong mamamayan, palagi nating unahin ang buhay at kapakanan ng kapwa nating Pilipino,” pagtatapos nito.
Comments are closed.