BONG GO SINUPORTAHAN ANG LEGISLATIVE AGENDA NI PBBM

PINURI  at ipinahayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang suporta sa legislative agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028, na marami sa mga ito ay mga pangunahing iminungkahing legislative measures ni Go na nakabinbin sa 19th Congress.

“The PDP 2023-2028 will provide us with precise guidance on how we will manage our country as we work to recover from the impacts of the pandemic,” saad ni Go.

“I also believe that the proposed measures it contains will have a profound and positive impact on the lives of all Filipinos,” dagdag nito.

Ang PDP 2023-2028, na naglalayong “ibalik ang bansa sa isang high-growth trajectory” at “paganahin ang pagbabagong pang-ekonomiya at panlipunan para sa isang maunlad, inklusibo at matatag na lipunan”, ay inaprubahan at pinagtibay ni Marcos sa pamamagitan ng Executive Order No. 14 nilagdaan noong Enero 27.

Ang 2023-2028 plan ay ang pangalawang medium-term plan batay sa AmBisyon Natin 2040, na nagbibigay ng roadmap para sa pagpaplano ng pag-unlad sa Pilipinas mula 2016 hanggang 2040 at naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay para sa lahat ng Pilipino. Inilunsad ang AmBisyon Natin 2040 noong administrasyong Duterte.

Kabilang sa health-related legislative agenda ng plan ay ang Medical Reserve Corps. Sa MRC ay kasama ang “licensed physicians, medical degree holders, mga estudyanteng nagtapos ngbapat na taong medical course, registered nurses, at licensed allied health professionals na maaring matawagan.o rumesponde sa panahon ng pangangailangan.

Kasama rin ang pagtatatag ng mga specialty center na magbibigay at magpapahusay ng access sa mga espesyal na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan. Binigyang-diin din ni Marcos ang pangangailangan para sa paglikha ng Philippine Center for Disease Control and Prevention; at ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines.

Kabilang sa mga panukalang batas na inihain na ni Senator Go ay Senate Bill No. 1180, na kilala rin bilang “Medical Reserve Corps Act of 2022,” SBN 195 at 196, na magtatatag ng CDC at VIP, ayon sa pagkakabanggit.

“Noong panahon po ni dating pangulong Rodrigo Duterte, napakaraming lumalapit sa amin hindi lang para magpagamot, humihingi po ng pamasahe para bumiyahe kasi nandito po ‘yung mga specialty hospitals na kayang gumamot sa kanila.

“Ilapit na natin sa mga nangangailangan ang serbisyong pangmedikal na kailangan nila mula sa mga specialty centers,” himok nito.