BONG GO, TULOY SA PAG­TULONG SA VULNERABLE SECTORS SA BUKIDNON

DINALA  na ng outreach team ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanilang relief work sa Bukidnon para matulungan ang mga low-income households doon, na dumaranas ng matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak ni Go na ipagpapatuloy ng gobyerno ang pagprayoridad sa kapakanan ng mga disadvantaged communities, kasabay ng pagpapatupad ng mga istratehiya upang mapigilan ang pagkalat at impact ng krisis sa bansa.

“Konting tiis lang po at magbayanihan at magmalasakit tayo sa ating kapwa. Huwag kayo mawalan ng pag-asa dahil ginagawa namin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte ang lahat ng aming makakaya upang matulungan kayo,” anang senador.

“Uunahin namin palagi ang mga mahihirap. Ako naman, bisyo ko ang magserbisyo. Handa akong magsilbi sa inyo lalo na sa oras ng inyong pangangailangan. Bukas ang opisina ko para mapakinggan ang inyong mga hinaing at mabigyan ng solusyon ang inyong mga pang-araw-araw na suliranin,” aniya pa.

Nabatid sa nagkaloob ang mga staff ng senador ng mga pagkain, bitamina, masks at face shields sa may 3,000 residente sa municipal gymnasiums ng Damulog at Kadingilan, nang bisitahin nila ang mga naturang lugar noong Oktubre 6, na ikatlong araw ng kanilang relief work.

May ilang piling residente rin ang nabigyan ng pares ng sapatos habang may mga nakatanggap rin ng mga bisikleta at mga computer tablets para sa kanilang mga nag-aaral na mga anak.

Bilang karagdagan, ang mga personnel mula sa Department of Social Welfare and Development ay namigay rin ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation component ng kanilang Protective Services Program.

Noong Oktubre 5, unang nagtungo ang mga staff ni Go at binisita ang iba pang residente ng Damulog at Kibawe.

Kabuuang 1,937 beneficiaries ang nakatanggap ng mga kahalintulad na tulong mula sa tanggapan ng senador at ng DSWD.

Paalala pa niya, maaari silang humingi ng tulong sa mga Malasakit Centers na ipinatayo ng pamahalaan, kabilang dito ang matatagpuan sa Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag.

191 thoughts on “BONG GO, TULOY SA PAG­TULONG SA VULNERABLE SECTORS SA BUKIDNON”

  1. Pingback: 1procrastination
  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    stromectol otc
    safe and effective drugs are available. Cautions.

  3. Learn about the side effects, dosages, and interactions. drug information and news for professionals and consumers.
    stromectol 15 mg
    Long-Term Effects. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  4. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Medscape Drugs & Diseases.
    lisinopril online
    What side effects can this medication cause? What side effects can this medication cause?

  5. Cautions. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    cheap propecia
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Definitive journal of drugs and therapeutics.

Comments are closed.