TIGIB ng saya ang puso ni former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na makasama muli ang entertainment media out-side the PNP Custodial Center sa ginanap na get-together lunch for him sa Gloriamaris restaurant last Wednesday.
Apat na taon din ang inilagi ni Bong sa loob ng PNP Custodial Center at paminsan-minsan ay nadadalaw siya roon ng mga very close friends niya from showbiz. Kaya naman paglabas ni Bong, excited na ang mga kaibigan niya sa showbiz na ma-meet siyang muli.
Thanks to the two beautiful matriarchs sa showbiz na sina Marichu ‘Manay Ichu’ Vera Perez and Regal Films producer Mother Lily Monteverde na siyang nag-host ng get-together ni Bong with the entertainment media.
Ganadong-ganado si Bong tsumika sa mga manunulat at doon ay kinumpirma niya ang pagtakbo niyang muli bilang Senador sa nalalapit na eleksiyon. He will run under Lakas-CMD (Christian Muslim Democrats) party.
Excited na rin siyang gumawa ng pelikula. In fact, habang nasa loob ng PNP Custodial Center ay nakagawa siya, with the help of some writers, ng limang scripts.
Among the five scripts, may napili na siya kung alin dito ang gagawin niya as his comeback film. Ayaw pa i-reveal ni Bong kung ano ang team ng first movie na gagawin niya this year. Basta surprise daw at dapat abangan.
Pero kung mabibigyan ng chance si Bong, gusto raw niya maging leading lady sa comeback movie niya ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray.
“Oo, comeback ko, Catriona kaagad, ano? Why not,” nakangiting sabi ni Bong.
Type rin ni Bong na makasama sa movie sina Vice Ganda, Maine Mendoza at Pia Wurtzbach.
“Well, magagaling sila na artista kaya gusto ko silang makasama. Hindi lang naman isang pelikula ang plano nating gawin. Marami-rami rin siguro,” sambit ni Bong.
Nakaplano rin daw ang gagawin niyang movie na isasali niya sa Metro Manila Film Festival this year.
“Gusto ko fantasy ‘yung movie ko for MMFF. Parang nakita ko na nami-miss din ng mga kabataan ngayon ‘yun. Medyo sig-uro mahal (production cost), but ah, kailangan ‘yung ibabayad nila worth.”
Agree rin siya sa possibility na maka-team-up si Coco Martin sa isang movie for MMFF.
“Ah, puwede. Puwede ring Vice (Ganda). Puwede kahit sino. Kung sino ‘yung gustong kumuha sa akin. Hahaha!”
On his TV career, nilinaw niya na nag-lapse na ang kontrata niya with his former network. Kaya open siya to work with any TV station.
“Hmm… wala naman ako’ng contract sa any network. Puwede naman ako mag-guest hangga’t hindi pa nagsisimula ‘yung 90 days na start ng campaign ng ban,” ngiti uli ni Bong.
But on the second thought, mas maigi raw siguro na huwag muna siyang tumanggap ng project sa TV.
“After election muna, but I’m (still) thinking. Pag-isipan muna.”
But what if alukin siya ni Coco Martin na magkaroon ng special appearance sa top-rating action drama series ni Coco na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Tumawa ng malakas si Bong sabay sabi, “Kayo, ha!”
May nagbanggit naman na baka malapit nang matapos ang pulis-serye ni Coco.
“E, kung patapos na siya, eh ‘di, sana kung simula. Baka sabihin ako ang nagtapos. Parang hindi maganda ako ang nagtapos. Hahaha! Baka sabihin ako ang nagsara,” natatawang sabi ni Bong.
Samantala, pansin namin na tila pumayat si Bong and he explained to us dahil daw ‘yun sa pagwo-workout niya everyday nu’ng nakakulong pa siya.
“Tapos nagkaroon ako ng gout dahil sa sobrang kain ko ata ng karne, sa protein, (saka) ang diet ko. Kaya ‘yun medyo pumayat ako. Kaya sa picture ko sa FB page ko nakita n’yo may ano (nakabalot) ‘yung braso ko, may support ako? Ang sakit pala noon. Grabe. Nagka-osteoathritis ako. Lumiit ‘yung braso ko,” pahayag pa niya.
Comments are closed.