SINABI ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na hiling niya ngayong Bagong Taon ang masigurong magkakaroon ng magandang buhay ang bawat mamamayang Pilipino at maging ligtas sa anumang matitinding pagsubok tulad ng naranasan ng bansa nitong nakalipas na dalawang taon.
“I am hoping for a better life for each and every one of us. Free from the economic burden, free to pursue our hopes and aspirations, free from the debilitating effects of the pandemic, and most of all free to choose our leaders who will usher us to the next chapter of our country’s history,” ani Marcos sa kanyang mensahe.
Ayon sa standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, habang unti-unting bumabangon ang bansa mula sa trahedya ng Bagyong Odette at dalawang taon nang matinding pananalasa ng pandemya, marapat lamang na talikuran ang mga mala-bangungot na pangyayari at manatiling positibo’t malakas upang salubungin ng mas maganda at may pag-asa ang papasok na Bagong Taon.
“We have proven that we, as a nation, are resilient and resolute. Let us once again dig deep inside ourselves and let our persevering spirit guide us in our effort to turn our miseries into joy, our pain into happiness, and our hopelessness into faith and optimism,” wika pa ni Marcos.
Ani Marcos, inilalatag na niya ang komprehensibong plano para mapabuti nang husto ang buhay ng mamamayang Pilipino sakaling manalo siya sa nalalapit na halalan.
Subalit magiging posible lamang aniya (ang mga programa) kung ang taumbayan mismo ang magbibigay sa kanya ng mandato para maipatupad ito nang ganap at kumpleto, sinsero at walang anumang uri ng pag-iimbot – bitbit ang diwa ng pambansang pagkakaisa.
“The New Year will usher us into a new beginning. A new dream, a new hope. But in the end all of these can only come true if we stand as one. One nation, one people,” sabi niya.
“Sa bandang huli ay matutupad lamang ang ating mga pangarap na ibangon muli ang ating bayan kung tayo ay may iisang adhikain at may iisang paniniwala,” pagbibigay diin pa ni Marcos.