Bongbong direktang nangangampanya sa taumbayan para ihain ang kanyang plataporma 

BBM FEB 15

NANINIWALA si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ang pakikinig at paglapit sa kanyang mga taga-suporta ang pinaka-epektibong paraan upang mailapit niya sa taumbayan ang kanyang mga programa at plataporma.

“Mas maganda para sa akin, sa kampanya ko na pumunta sa tao, na imbes nakikipag-away ako, nakikipag-debate ako ay nakikinig ako sa tao at naririnig ko sa kanila kung anong hinaing nila, ano ‘yung pangamba nila sa darating na panahon. Lahat ‘yan, para sa akin mas mahalaga,” sabi ni Marcos sa kanyang panayam sa DZRH.

Tinawag pa ni Marcos ang kanyang sarili na “old school” dahil mas mahalaga aniya sa kanya ang mangampanya.

Ibinahagi rin niya na huli na sila sa kanilang campaign schedule dahil na rin sa nangyaring coronavirus outbreak sa BBM headquarters noong Enero kung saan lahat ng kanilang aktibidad ay nahinto sa loob ng 21 na araw.

“Mas importante na magpunta, makipag-usap sa mga local leader, makipag-usap sa sectoral leader at sasabihin ano ang mga hinaing ninyo, ano’ng pangamba ninyo, ano iniisip niyo, if that is more important than debate, I say yes to this,” sinabi ni Marcos sa kanyang hiwalay na panayam sa Kapihan sa Manila Bay.

Ayon kay Marcos, nanaisin niyang dumalo sa mga debate kung ito ay produktibo at makabuluhan kung saan magkakaroon ng sapat na panahon ang mga kandidato para maihatid at maibahagi ang kanilang mga plataporma at polisiya.

“They will say, ‘give me your policy on agriculture and do it in one and half minutes, how can you do that?” tanong ni Marcos.

“If it’s going to be that way, na pare-pareho na lang and then nag-debate, it gets personal, what is the use of that to anyone? If there is a way the debate will be actually productive, constructive that we can talk about policy, we can argue, we can debate properly, then fine I would go but if we are going to repeat and repeat the same thing, I rather campaign,” dagdag pa niya.

Nang tanungin si Marcos kung takot ba siyang makaharap ang kaniyang mga kalaban,  sinabi nito na noon pa man ay ilang batikos na ang kanyang natanggap, lalo na sa social media.

“Hindi naman problema yon, kahit wala namang debate ganoon naman talaga … Ang problema talaga is if it’s the best use of your time, we have 90 days lang. Ano ba ang pinaka-effective para sa kampanya. Kampanya ito hindi naman ito kwentuhan. Kampanya ito, kailangan kong makakuha ng boto, kailangan kong mag-organize sa ground level, lahat ‘yan kailangan naming gawin so what is the most important thing at the time,” sabi nito.

Para kay Marcos, mas mahalaga na mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinahaharap ng mga Pilipino kaysa makipagbangayan sa ibang mga kandidato na aniya’y hindi naman nakakatulong sa kanilang lahat.

“Let’s talk about the present, and let’s talk about the future because that is what is on people’s minds. People are worried, what is our life going to be, what are you going to do for us, what will you do that will help my life, that will help the school of my child, my prospects on my job, all these things. That’s what people are worried about,” pagbibigay diin niya.

“If we will talk about that, then that’s fine, well and good, but must be given a chance to talk about it in detail,” wika pa niya.

Nitong nakaraan lang ay inanunsiyo ng chief of staff at spokesperson ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na hindi makakadalo si Marcos sa Commission on Elections (Comelec) debate dahil mas nais niyang ituloy ang kanyang schedule na makita ang mga taga-suporta ng UniTeam.

“We shall continue with our preferred mode of direct communication with the people and engage them in a more personal face to face interaction that discusses real issues that affect them today, tomorrow and in the days to come as this election is all about our collective future,” sabi ni Rodriguez.