NAGLABAS ng opisyal na health documents ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagpapatunay na gumaling na si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa coronavirus disease (COVID-19) makaraang sumailalim sa dalawang tests na nag-negatibo ang resulta.
Ang resulta ng ikalawa at final test kay Marcos ay isinagawa noong Abril 29, 2020 ng molecular biologists ng RITM at inilabas nitong Mayo 3, 2020.
Ang unang negative result kay BBM, na sumailalim sa self quarantine ng 45 araw makaraang magpositibo sa virus, ay isinagawa noong Abril 27, 2020 ng RITM medical technologists at inilabas noong Abril 30, 2020.
Nag-isyu ng medical certificate kahapon, Mayo 5, 2020 ang doktor sa Department of Health kasunod ng findings ng RITM na nagpapaliwanag na si BBM ay medically cleared na sa COVID-19 matapos ang dalawang NEGATIVE results para sa SARS-COV-2.
Ang dating senador ay nakaramdam ng sintomas ng coronavirus noong Marso 22, 2020, isang linggo matapos itong dumating mula sa European trip, at sa payo ng kanyang mga doktor, ay agad itong sumailalim sa quarantine kasunod ng initial COVID-19 test.
Marso 28, 2020 nang unang ipaalam ng RITM doctors kay BBM na positibo ito sa coronavirus test na isinagawa noong Marso 22, 2020.
Comments are closed.